CLIPPERS, KINAPOS KONTRA ORLANDO

NBA: Magic stun Clippers with late comeback | ABS-CBN News

KINAPOS sa huling mahigit isang minuto sa final quarter ang Los Angeles Clippers at nakawala ang isang malinaw sanang panalo kontra Orlando Magic, 103-96.

Nagpakitang gilas ang Clippers sa unang yugto kung saan umarangkada ang kanilang mabilis na opensa para sa 12-0 run bago idineretso pa ang kanilang patuloy na paglamang sa second quarter kung saan umabot pa sa 15 puntos ang kanilang iginuhit na agwat na di naawat ng Magic at umangat pa sa 16 puntos sa kalagitnaan ng third quarter.

Lamang pa rin ang Clippers hanggang sa pagpasok ng huling 3 minuto sa kanilang laban subali’t biglang nanlamya ang opensa ng Clippers at wala silang naitala sa huling 2:39 ng laro maliban sa isang 3-point shot.

Tuluyan nang nakitil ang nalalabing pag-asa ng Clippers para makahabol pa matapos ang dalawang magkasunod na mintis sa 3-point area nina Reggie Jackson at Kahwi Leonard.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *