NICE VISIT!

ANG pagdalaw ng Utah Jazz sa Memphis ay naging isang magandang karanasan at nagbunga ang kanilang pagbisita ng isang panalo para sa Miyerkules Santo.

Hindi man natapatan ang gilas na ipinakita ni Ja Morant sa panig ng Grizzlies, si Mike Conley ay nagmarka ng isang mahusay na performance kung saan umiskor siya ng 13 sa final quarter at gumawa ng 26 puntos sa kabuuan upang pangunahan ang kanilang panalo, 111-107.

Habang walang tigil ang pag-ulan ng mga acrobatic shots mula kay Morant, si Conley ay panay ang pukol na sakto sa basket kasama na ang mga pangitil na free throws na nagsampa sa kanila para sa ikapitong sunod na panalo (36-11).
Si Conley ay nakabasag ng 5-of-5 from the field sa fourth at tumapos doon ng 7 assists na tumakip sa makinang na performance ni Morant na may naiambag na 29 points.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *