KALAHATING MILYONG DOSES PA NG SINOVAC, DUMATING SA BANSA

KARAGDAGANG kalahating milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese Firm SINOVAC Biotech ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ngayong umaga upang matugunan ang suplay ng bakuna sa ating bansa.

Kung susumahin humigit 5.5 milyon na doses na ng Sinovac ang dumating sa ating bansa– 1,500,000 noong Mayo 7; 500,000 noong Abril 29; 500,000 noong Abril 22; 500,000 noong Abril 11; 1,000,000 noong Marso 29; 400,000 noong Marso 24; 600,000 noong Pebrero 28; at 1.5 milyon nakaraang Mayo 7.

Matatandaang noong Pebrero 28 at Marso 24 ay may dumating naring suplay ng Sinovac na donasyon ng bansang Tsina sa ating gobyerno ngunit ang mga sumunod ay binyaran na ang ating bansa.

Base sa ebalwasyon ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) sa Sinovac’s vaccine, ito ay mayroong sa mga sumusunod na efficacy rates: • 65% to 91% among healthy individuals aged 18 to 59, • 50.4% for health workers, and • 51% to 52% on senior citizens or those aged 60 and above • Sinovac’s vaccine is given in two doses.

Matatandaang nagsimula pa ang rolled out vaccination ng gobyerno noong pang Marso 1bagama’t hindi ito nagtuloy-tuloy dulot ng problema ng suplay nito, ngunit ipinangako naman ng gobyerno na maisasaayos ito sa buwan ng Mayo at Hunyo sa inaasahang pagdating ng marami pang bakuna.

Ayon pa sa ulat ang mga bagong suplay ng bakunang dumating ay ikakalat sa mga lugar kung saan mataas ang bilang Covid 19 cases tulad ng NCR Plus (Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite Bulacan), Cebu at Davao City.

Inaasahan pa ng gobyerno na may darating pang 160,000 doses mula sa American Drugmaker MODERNA, 300,00 Sputnik V doses mula sa Russia at 2.2 milyon doses mula naman sa Pfizer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *