CEBU MAYOR LABELLA, HUMINGI NG 3 WEEKS NA HEALTH LEAVE

Sa kabila ng nagpapatuloy na programa ng pagbabakuna at pagtugon sa COVID-19 sa lungsod humingi ng 3 weeks health leave si Cebu Mayor Edgardo Labella.

Sinabi ni Labella sa isang press conference, na mayroon siyang impeksyon sa tainga na humantong sa sepsis noong unang bahagi ng Enero na nagbigay panganib sa kanyang buhay.

“Muntik na akong mamatay,”

“Now that the cases are manageable, I will heed the advice of the doctors,”

“Through this, I will just be in the City of Cebu,” ayon sa alkalde.

Naatasan na maging acting mayor si Vice-Mayor Mike Rama habang naka health leave ang naturang alkalde ng Cebu.

“Cebu City has so far vaccinated some 60,000 residents, of whom 20,000 were health workers, 20,500 were senior citizens, and 21,000 were persons with comorbidities,” dagdag pa ni Labella.

Ang bakunang Russian Gamaleya Sputnik V COVID ay nakatakdang dumating sa Cebu City ngayong umaga na i-turn over ng Russian Ambassador to the Philippines at ng Honorary Consul na si Armo Garcia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *