JAZZ, SINIKWAT ANG GAME 1

Donovan Mitchell scores 45, rallies Jazz past the Clippers - The San Diego  Union-Tribune

SI Donovan Mitchell ay simpleng ayaw magpatalo at ang Utah Jazz ay humamig ng kanilang unang panalo laban sa Los Angeles Clippers, 112-109 sa Western Conference semifinal round ng NBA playoffs sa Vivint Arena.

Ang inaasahang mahigpit na laban ng Clippers at Jazz ay naganap at ang mga inaasahang lulutang sa gitna ng labanan ay umangat.

Ang first half ay mahabang tantiyahan sa pagitan ng Clippers at Jazz habang ang kabuuan ng second half ay isang tunay na digmaan.

Habang sina Kahwi Leonard, Paul George, Luke Kennard at Ivica Zubac ay sumasabay at nakikipagharangan kina Mitchell, Bojan Bogdanovic, Joe Ingles, Jordan Clarkson at Rudy Gobert, ang pagtitiyaga ng Jazz at ang mga sablay na tira ng Clippers ang nagdesisyon sa naging resulta ng laro.

Si Mitchell ay umiskor ng 45 puntos, tig-18 points sina Clarkson at Bogdanovic at 10 points mula kay Gobert.

Si Kahwi ay nagtala ng 23 points at si George ay may naiambag na 20.

Kung ang inaasahan noon na ang magiging pinaka-exciting na pagtutuos sa semifinal round ng NBA playoffs ay ang tapatan ng Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets, isa itong malaking pagkakamali ngayon dahil sa apat na pares sa NBA semis ay ang Jazz kontra Clippers ang inaasahan na magiging pinakamadugo matapos ang dikitang laban sa Game 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *