12 BAGONG KASO NG DELTA VARIANT SA BANSA NAITALA NG DOH

NAKAPAGTALA at umakyat na sa 47 ang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa makaraang 12 bagong kaso ang nadiskubre base sa resulta ng ‘whole genome sequencing’ ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institute of Health.

Naiulat na rin ng Department of Health (DOH) na may nadagdag na 187 bagong kaso ng Alpha variant, 142 Beta at 12 P.3 variant.

Ayon sa ahensya lahat ng bagong kaso ng Delta variant ay mga lokal na kaso.

Anim ang natukoy sa Region 3, dalawa sa CALABARZON, isang kaso sa Region 5, at tatlong kaso sa National Capital Region (NCR).

“All cases have been tagged as recovered but their outcomes are being validated by our regional and local health offices. This brings the total Delta variant cases to 47,” ayon sa DOH.

Dahil sa dagdag na mga kaso, sinabi ng DOH na krusyal ang pagres-ponde ng national at lokal na pamahalaan sa mga lugar na may mga kaso na maaaring may nagaganap na lokal na transmisyon. S

a bagong Alpha var¬iants, 134 ang lokal na kaso, 54 sa kanila ay nasa¬wi habang 133 ang naka¬rekober. Tinatayang umakyat na sa 1,668 ang Alpha variant sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *