RJ ABARRIENTOS, HUMATAW SA DEBUT GAME SA KBL

RJ ABARRIENTOS, HUMATAW SA DEBUT GAME SA KBL

PINATUNAYAN ng small but terrible na si RJ Abarrientos na hindi lahat ng guwapong import ay matangkad, kung minsan maliit lang sila.

Ito ay matapos ang kanyang magandang performance sa unang laro niya bilang import ng koponan ng Ulsan Hyundai Mobis Phoebus sa 2022-23 season ng Korean Basketbal League (KBL) kung saan nakapag-ambag siya ng 13 points, 7 rebounds at 7 assists laban sa Suwon KT SonicBoom kahapon sa Suwon KT Arena.

Nanguna sa kanilang koponan si Gauge Prim na nakapagtala ng double-double na 17 points at 13 rebounds sa kanilang panalo, 85-76.

Wagi rin ang koponan ng Anyang KGC laban sa Seoul SK Knights na ginanap sa Jamsil Students Gymnasium kung saan hindi naman nakapaglaro ang isa pang pinoy import na si Rhenz Abando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *