sa pagpapawalang-sala sa rape case… VHONG NAVARRO, ABOT-ABOT ANG PASASALAMAT

sa pagpapawalang-sala sa rape case… VHONG NAVARRO, ABOT-ABOT ANG PASASALAMAT

May be an image of 1 person and text that says "TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com"
No description available.

HINDI mapigilan ang emosyon ng “It’s Showtime” host Vhong Navarro sa umpisa pa lamang ng Kapamilya noontime show. May dahilan kung bakit garalgal ang boses ni Vhong sa kanyang mensahe dahil last Monday,March 13, ibinasura ng Supreme Court ang kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornerjo, laban sa comedian-host, halos sampung taon na ang nakakaraan. Mensahe ng pasasalamat at sa mga taong sumuporta sa kanyang pinagdaraanan.

Umpisa ni Vhong; “Alam mo dasal ako nang dasal every day, every night na hopefully ay makuha ko na yung minimithi ko na matapos na ‘tong pinagdadaanan ko kasi may mga panahon na akala ko, nawalan ako ng pag-asa eh. Nawalan ako ng hope no’ng nasa loob pa ako,” ani Vhong na nakulong last September, 2022 dahil sa di pinayagang magpiyansa dahil na non-bailable umano ang kasong kanyang kinakaharap. ” Dininig po ng Supreme Court yung dasal natin. Maraming salamat Supreme Court at maraming salamat sa aking legal team na hindi ako pinabayaan. Of course sa ABS-CBN na hindi ako iniwan, binigyan ako ng trabaho,” ma-emosyon nitong pasasalamat habang nakamasid ang Kapamilya CEO City Vidanes.

No description available.
No description available.

TAMBALANG CHARO SANTOS AT JOEL LAMANGAN, KINAALIWAN NG MGA NETIZENS

TRENDING at inaabangan ng mga netizens ang character ni Charo Santos-Concio sa “FPJ’s Batang Quiapo” na napapanood Mondays to Fridays sa Kapamilya Online Live,TV5 at A2Z .

Bilang si Tindeng na nakaaway ang may ari ng inuupahan niyang stall sa Quiapo na si Roda, played by Joel Lamangan, tumitindi ang away ng dalawa hanggang sa makulong si Tindeng. To the rescue naman ang apo ni Tindeng na si Tanggol played by Coco Martin na pipiyansahan ang kanyang mahal na Lola Tindeng. Mukhang nagtatagal pa ang awayan nina Tindeng at Roda dahil maprinsipiyo ang una at di pasisindak sa gustong ipagawa sa kanya ni Roda o ni Lamangan.

Kung magtatagal pa ba ang role ni Roda sa serye? ” Sana. Gusto ko pang umarte,” biro ni Direk. Behind the camera, magkasundo at laging nagbibruan sila Charo at Lamangan sa set. Tinatawanan na lamang ng dalawa ang kanilang mga roles,na effective nilang nagagampanan. Kaya naman sila trending sila sa social media.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *