RUFA MAE QUINTO, WALANG GATOL NA SINABING MARAMING ‘PLASTIK” SA SHOWBIZ

RUFA MAE QUINTO, WALANG GATOL NA SINABING MARAMING ‘PLASTIK” SA SHOWBIZ

May be an image of 1 person and text that says "hike GO Online aitway loàn deal BY: GERRY OCAMPO"
No description available.
No description available.

SA mga nakapanayam ni Mariel RodrIquez sa kanyang YouTube channel ay si Rufa Mae Quinto ang gusto niyang maka-drink or grill sa interview dahil marami silang mapag-uusapan na pagkatapos ay pagtatawanan na lang nila. Magkapareho kasi sila ni Rufa Mae, parehong walang preno ang kanilang bibig. Sa Rebelle Beauty ang Wellness na pag-aari ni Rufa Mae nangyari ang one-on-one interview.

Kapag hindi nila nasagot ang tanong na inihanda ng staff ay iinom sila ng Buzzballs. “Cocktail siya with 15% alcohol, so, tamang tama sa mga nanay nating minsan lang talagang uminom, say ng vlogger host. Parehong nasa pangangalaga ni Boy Abunda sina Rufa Mae at Mariel at comment nga ng ilang staff ng Backroom Inc, ‘Parehong-pareho sila, isang inglesera at isang Tagalog.’

Nagbalik-tanaw ang dalawa kung saan sila unang nagkakilala at nagkita ay napuno ng hiyawan dahil parehong mataas ang energy nila sa pagkukuwento. Pero kapwa hindi sinagot ng dalawa kung anong pelikula o show ang hindi nila nagustuhan.

Kaya idinaan na lang nila sa pag-inom ng watermelon smash with vodka na naging sanhi ng pagkaubo ni Rufa Mae. Samantalang si Mariel ay nakaramdam naman ng init sa lalamunan.

Nang ang tanong naman ay, “Sino`ng celebrity ang ayaw ,mong maka-work ulit?” Kaagad na sagot ni Mariel, “Dyusko .parang iinom ulit ako nito, ah.” Sagot naman ni Rufa Mae, “In fairness to me, wala. Baka ako ang ayaw nila, hahaha! Charot!” Sabi pa ni Rufa Mae, “Kasi lahat naman ng naka-work ko, masaya, eh.” Sinang-ayunan ito ni Mariel kaya hindi nila kinailangan uminom ng inihandang drink. Binulgar ni Mariel ang pinaka-expensive na item na pag-aari ni Rufa Mae ay malalaking diamond, “kay Rufa Mae ako nakakita ng buo na diamond na may korteng puso!” “Ito kasi ang una kong kinokleta, mga buo-buo, Alam mo bakit? Kasi nu`ng nag-uumpisa ako sa “Ober da Bakod”, lahat sila, naka-2 carats na ganyan (itinuro ang suot ni Mariel). Ang presyo pa, P150,000 o P350,000. Tapos, after two years, nagtanong ulit ako. P600,000. Na raw. Ay, ganito pala ang diamond! Kaya magmula nu`n, bumili na ako.” katuwiran ni Rufa Mae.

Pagbubulgar pa ni Rufa Mae na halos P4 million daw ang nawala sa kanya dahil naloko siya sa negosyo na kung saan hindi na raw nabalik ang kapital. Kaya warning ni Rufa Mae na may risk talaga kapag pumasok sa negosyo. Sabi pa niya, “Kaya dito na lang muna ako sa showbiz.” Ikinuwento rin ni Rufa Mae ang pinakahihiyang nangyari sa kanya ay nalasing siya sa isang ball na kung saan hindi alam ng mga friend niya na nawala ang kanyang bag na naglalaman ng mahahalagang gamit niya. Kinumpirma ito ni Mariel na nandoon din sa ball. Inihatid raw niya si Rufa Mae sa kuwarto ni Vina Morales at doon muna pinatulog ang sexy comedienne.

Nang mapag-usapan naman ang first kiss ay mas pinili ng dalawa ang uminom na lang dahil baka raw may mangyaring hindi maganda. Nagtawanan naman ang dalawa sa tanong na, “Ano`ng tsismis na itinanggi n`yo pero totoo naman talaga?” At saka binigyan pansin na lang ang flavor ng drink na Tequila-Rita. Halos hindi na matapos-tapos ang tawanan ng dalawa nang ang tanong ay, ”Sino ang taong naka-work ,mo na pinakaplastic sa showbiz?” Pero sinagot ito ni Rufa Mae na, “Siyempre, marami!” na ikinatawa ni Mariel.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *