di lang pinahahalata sa batikang aktress…. BELA PADILLA, KINABAHAN NANG HUSTO NANG IDINEREHE SI LORNA TOLENTINO

di lang pinahahalata sa batikang aktress…. BELA PADILLA, KINABAHAN NANG HUSTO NANG IDINEREHE SI LORNA TOLENTINO

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

SI Lorna Tolentino ang first and only choice ni Bela Padilla para gumanap na nanay ng karakter niya sa pelikulang “Yung Libro sa Napanood Ko” na siya rin ang direktor. Ang pelikula ay official entry ng Viva Films sa first Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa April 8, 2023 at matatapos naman sa April 18. Ayon kay LT, pangalawang beses na niyang magpo-portray bilang OFW. Ang una raw ay sa pelikula noon ni Marilou Diaz-Abaya na hindi na niya maalala ang title.

Sa Hongkong daw sila nag-shoot. At ito namang pangalawa ay sa Korea kinunan. Sa grand mediacon ng pelikula ay inamin ni Bela na kabado siya habang idinidirek ang grandslam best actress.

Aniya; “Ako, hanggang ngayon, kinakausap ko si Ms. LT even before naming mag-shoot, pero iba siyempre yung nasa set na kayo. Hindi ko ipinapahalata pero kabang-kaba ako kapag nasa set si Ms. LT kasi gusto kong maging professional, pero pinadali po niya ang buhay ko. .Si Ms. LT, may isang eksena kami na nagkukuwentuhan bago mag-take kasi ang akala ko matagal pa yung setup. So, nagkukuwentuhan kami sa rooftop tapos tinawag na kami ng DOP [director of photography] na okay na. Naka-setup na, puwede nang pumasok si Miss LT sa eksena.

I remember asking her, ‘Do you want a moment? Gusto mo bang magpatugtog ako ng music?’ Sabi niya, ‘Hindi. Okay lang.’ Pag-action, tumulo agad yung luha niya, samantalang everyone is so well-prepared at talagang magagaling,” kuwento pa ni Bela. Lalo ring bumilib si Bela sa pagiging professional ni Lorna nung makatrabao niya ito. “May running joke po kami sa set. Siya po ang aming ‘Vatican Actress.’ Meron kaming staff na ini-introduce niya si Ms. LT kay Yoo Min-gon. Ang gusto niyang sabihin, batikang artista. Ang nasabi niya, The Vatican Actress,” natatawang pagbabahagi pa ni Bela. Si Yoo Min-gon ang Korean actor na leading man ni Bela sa pelikula.

Ang pelikulang “366” ang directorial debut ni Bela kaya natanong ang actress-director kung mas madali na ba para sa kanya ang magdirek ng kanyang second film.. “Actually, parang mas mahirap ho itong second movie. Kasi nung first, I had Direk Irene [Villamor] with me on set as my creative director. Ngayon, wala na akong bantay. Ako na lang yung creative director. So, it was my first time na ang feeling ko talaga, parang I was responsible for everyone. And the difference also is we shot majority of the movie in Korea, seventy percent of the film. Siyempre, nakikisama ka rin sa bagong members ng staff ng production na hindi ko pa nakakatrabaho before. There was also a language barrier. Pero I’m so grateful kasi lahat ng mga nakatrabaho ko, kahit sa Korea, sobrang madali. Hindi kami binigyan ng sakit ng ulo. Sobrang smooth ng naging transition namin from Philippine shot to Korea shoot. Ang laking factor na lahat ng actors on set knew their characters so well. Yung pressure was lifted off my shoulder,” paliwanag ni Bela.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *