huli pero hindi kulong….. NADINE LUSTRE, NAHULING NAGBUBUNOT NG DAMO AT NAKABILAD SA ARAW

huli pero hindi kulong….. NADINE LUSTRE, NAHULING NAGBUBUNOT NG DAMO AT NAKABILAD SA ARAW

May be an image of 1 person and text that says "John S POINT BY: JOHN FONTANILLA"
No description available.
No description available.

BUKOD sa kanyang bagong pelikulang ginagawa sa Viva Films pagkatapos ng matagumpay na pagpapalabas ng kanyang pelikulang ‘Deleter’ na nag number 1 sa 2022 Metro Manila Film Festival at nag bigay sa kanyang ng Best Actress award ay abala si Nadine Lustre sa isa sa kanyang adbokasya at ito ay ang protektahan ang kalikasan. Imbes na nga makisawsaw at patulan pa ang kontroversiya between ex boyfriend nito na si James Reid at kapatid ng best friend niyang si Yassi Pressman na si Issa ay mas binigyang pansin nito ang makatulong sa kalikasan.

Kung sabagay bakit nga naman makikisawsaw pa si Nadine ngayong ilang taon na rin namang wala na sila ni James at masaya naman ito sa kanyang bagong lovelife. Isa nga ang awardwinning actress sa nakilahok sa Masungi Geopark Project, ang reforestation initiative sa mga kalbong lugar sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal. Hindi nga ininda ni Nadine and init ng araw at nakilahok sa iba’t ibang aktibidad ng araw na yun bilang honorary park ranger, kung saan nag bunot ito ng damo at mulching.

No description available.

SHIRA TWEG, THE YOUNG SHARON CUNETA

PROMISING ang alaga ng sikat na Celebrity Make Up Artist at ngayon ay isa ng Talent Manager na si Bambi Fuentez na si Shira Tweg na bukod sa matangkad at maganda ay very talented pa. Si Shira ay 15 years old lang na bukod sa husay unarte ay mahusay ding kumanta at sumayaw. Makakasama si Shira sa pelikulang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ( The Music of Rey Valera ) na pagbibidahan ng mahusay na aktor na si Raymond Bagatsing at entry ng Saranggola Media Productions sa Summer Metro Manila Film Festival 2023 na magbubukas simula sa April 8 hanggang April 18. Kung saan gagampanan dito ni Shira ang role bilang si Sharon Cuneta at kakantahin niya dito ang hit song ni Megastar na ‘Mr DJ’, na si Maestro Rey Valera ang nag compose. Kuwento nga ni Shira na kinilig siya at nakaramdam din ng pressure dahil alam niya kung gaano kalaking bituin sa showbiz at sa music industry si Megastar Sharon Cuneta na ginampanan niya.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *