NIKKO NATIVIDAD, MADALING MAPIKA

NIKKO NATIVIDAD, MADALING MAPIKA

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

KUNG naging super hit ang pelikulang ‘Working Boys’ comedy made by Tito, Vic & Joey in 1986, inaasahan na sa bagong movie na handog ng Viva Films, ang “Working Boys 2: Choose Your Papa” ay magiging doble ang riot sa katatawanan. Dahil hindi lang 3 kundi 5 magagaling na young actor sa ngayon ang pinagsama-sama, sina Wilbert Ross, Nikko Natividad, Vitto Marquez, Andrew Muhlach and Mikoy Morales, opening in theaters nationwide on March 29 and directed by Paolo O’Hara.

Klinaro naman ni direk Paolo na hindi remake ang part 2 ng “Working Boys”, isa itong original story. Hindi biro pagsama-samahin ang 5 magagaling na young actor na ito dahilan sa may kanya-kanya silang pinagdaanan nitong nakaraang pandemya.

Bukod pa isa sa kanilang lima ay hindi Viva talent, si Mikoy na isang Kapuso actor “We conducted an audition and they all joined. After we have chosen them, I watched their previous works kasi it’s important na makita what each has to offer para sa dynamics ng group. We then gave them a one-day workshop para mag-bonding sila and it worked kasi nag-jell agad sila. Nakatulong, kasi when we shot the film in a locked in location, maganda na ang camaraderie nila. Masaya kami sa set. Panay ang kulitan nila, kahit walang kamera, kaya the movie is really very entertaining,” ang say ni direk Paolo.

At nang maging close naman ang 5 ay saka naman muntik nang magwalk-out si Nikko Natividad sa grupo. Naging biktima kasi siya sa ginawang frank ng 4 pa nga niyang kasamahan na siya naman labis niyang kinapikon. “Panay ang parinig nila sa’kin pagdating ko sa set. Ako kasi ang pinakahuling idinagdag sa aming lima dahil kakapirma ko lang ng contract sa Viva. Bakit daw may driver pa ako pagdating sa lock in shooting?

Pa-star daw ako, pa-VIP. E, umabot sa isang oras yung pambu-bully nila sa akin at ang gagaling nilang umarte kaya sa imagination ko, sinusuntok ko na sila, tinataob ko yung mesa nila. Nagsumbong ako sa handler ko sa Viva. Yun pala, pina-prank lang nila ako. So niyakap nila ako, pero hindi pa rin ako kumikibo, hanggang nag-sink in sa’kin na maikli pala ang pasensiya ko, so binati ko na rin sila,” ang say ni Nikko.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *