aminado na hindi singer at music icon ang gagampanan….. RK BAGATSING, NA-PRESSURE BILANG SI REY VALERA

aminado na hindi singer at music icon ang gagampanan….. RK BAGATSING, NA-PRESSURE BILANG SI REY VALERA

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

AMINADO ang aktor na si RK Bagatsing na nagdalawang isip siyang tanggapin ang role ng iconic at legendary singer-songwriter na si Rey Valera nang i-offer sa kanya ng Saranggola Media Productions ang pelikulang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)”.

Ang naturang movie ay isa sa 8 pelikulang kalahok sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa April 8, 2023. The film is directed by Joven Tan na isa ring award-winning songwriter. “Siyempre nagdalawang isip ako kasi ang unang tinanong ko, sabi ko hindi naman talaga ako known to be a singer sabi kong ganyan.

Tapos parang mag-i-start na yata ako ng show no’n, may gagawin akong show at saka parang hindi rin aabot. Ang sabi ng Star Magic, kausap si Direk Joven, na ang kailangan mismo ay yung acting part kasi may na-record na silang kanta. Pero even then, siyempre nung na-receive kong Rey Valera, kasi gustong-gusto ng nanay ko si Rey Valera and of course familiar tayo sa mga kanta niya at naririnig pa rin natin siya, sabi ko, ‘Sige gawin ko.’ And ang pagkakaintindi ko it’s a musical and nung time na yon marami akong ginagawa na hindi ko pa giinawa before. Nung pagkatapos ng pandemic sabi ko hindi ako magiging safe sa mga roles na kukunin ko, gusto kong ma-challenge kaya nag-yes ako don sa Rey Valera,” mahabang paliwanag ng aktor. Ano ba ang ginawa niyang paghahanda para sa pagganap ng isang true-to-life character? “Marami namang materials online, eh. Siyempre, unang-una dinownload ko yung playlist niya so kahit saan ako magpuntang taping pine-play ko lahat ng mga kanta niya. Tapos sa Youtube marami naman siyang mga interviews, mga live performance. Tapos ang uso pa no’n sa mga concerts may mga… do’n na mismo sa stage nag-uusap-usap sila, so yon na yung naging reference ko,” pagbabahagi ni RK.

Hindi personal na kilala ni RK si Rey pero nang gawin daw niya ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok ko” ay may mga nadiskubre siya dito. Ani RK, “Siyempre di ba pag nakikinig ka ng mga kanta parang ang un among napapakinggan ay yung melody. So ngayon nung nakilala ko na siya, papakinggan mo na yung lyrics. Pag pinakinggan mo na yung lyrics, iisipin mo na ngayon, ‘Ano bang pinagdadaanan niya… Kaya pala.’ Yon yung mga realization ko don sa period na kinukunan namin ang pelikula. Tapos, nagkukuwento nga sila na do’n sa sementeryo siya nagpupunta.

Yung mga inspiration niya sa bawat tao na nakita niya at sinulat niya yung kanta. Yon yung mga natutunan ko nung ginagawa ko yon.” Hindi naman maiwasan ni RK ang makaramdam ng pressure sa bagong role na kanyang ginagampanan sa pelikula lalo pa’t isang icon na maituturing sa music industry si Rey Valera. “Oo, malaking pressure! Pero sabi ko nga kasi, few years back di ba nag-pandemic tayo, so hindi natin alam kung babalik pa tayo sa dati. So nung bumalik sabi ko looking forward, gusto kong gumawa ng mga project na natatakot ako. Yung out of the box, out of my comfort zone. So nung sabi nilang Rey Valera, sabi ko, nakakatakot naman yan. ‘Sige, gawin natin!’ Natakot ako. At pagkatapos ko siyang mapanood, masayang-masaya ako. Yung nanay ko umiiyak sa tabi ko, it must mean something, di ba?” pagmamalaki pa niya. Bukod sa musical film, ano pa bang gusto niyang gawin na out of his comfort zone.

Sagot ni RK, “Gusto kong mag-aksyon at ngayon nasa ‘Batang Quiapo’ ako at ginagawa ko na. Marami na kasi tayong material so ang dami nating medium – may Netflix, may Disney, may HBO, iba’t ibang streaming platforms like iWant TFC, so ngayon nabibigyan tayo ng chance na mas kumuha pa ng mas diverse pang mga script, mga stories, so willing talaga ako to work with different people and collaborate with different people. Nae-excite ako kasi nagsusulputan, eh. Ang daming direktor, bagong writer, di ba? Game lang ako. Laban lang,” excited na pahayag ni RK. “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) is an anthology and origin film of the life and career of Rey Valera, centering on the inspirations behind his Original Pilipino Music chartbusters. The movie also stars Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, and Gardo Versoza

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *