ANGELI KHANG, BUMALIK NG TAYA

ANGELI KHANG, BUMALIK NG TAYA

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

ISA sa naging biggest hit na pelikulang inilabas sa Vivamax Apps noong taong 2021 ay ang movie na “Taya” na pinagbidahan nina AJ Raval at Sean de Guzman kasama rin si Angeli Khang at Jela Cuenca. Dahil sa laki ng success ng naturang movie minarapat ng Vivamax na bigyan ito ng part 2, na much more bigger and bonggacious kumpara sa naunang “Taya”. Heto na nga ang bagong mukha ng Taya movie, ang “Balik-Taya”, na magsisimula nang mapanood sa Marso 31 sa lahat ng Vivamax apps.

Kung saan ay kakaiba ang istorya nito kaysa sa nauna. Pang international na ang peg. At para mas bongga ay sa ibang bansa pa itong kinunan. Almost ang buong kabuuan ng “Balik-Taya” ay kinunan sa bansang Thailand. Thankful naman si Angeli Khang at Jela Cuenca na napasama sila sa part 2 at ‘nalaglag’ ang mga bidang sina AJ at Sean. Bagong kasama naman sina Kiko Estrada at Azi Acosta na tila hahalili sa tambalang AJ at Sean.

Ang movie na “Balik-Taya” ay dinerehe ni Roman Perez, Jr kung saan ay gagampanan ni Kiko Estrada ang papel ng isang Pinoy na nagpunta sa Thaliland para magtrabaho pero naging biktima ng fake recruiter at nabugbog pa. Tinulungan siya ng isang Pinay na si Azi at doon nagsimula ang kanilang relasyon na kung saan naman ay isang araw ay bigla na lang ‘nawala’ si Azi at hinanap ni Kiko. Na magiging daan ang kanyang paghahanap sa girlfriend ang maglalagay sa kanya sa mas delikadong buhay sa ibang bansa dahilan sa pagsapi niya sa isang international gambling syndicate.

Tulad nang sa istorya, hindi rin ganun kadali na nakunan ng kamera ang ilang maseselang eksena na ginawa sa Thailand dahilan sa maraming restrictions. “This is the first Vivamax movie shot abroad and we’re thankful to Boss Vic del Rosario na pinayagan kami. We shot guerilla style. May permits kami pero we shot doon sa ibang locations like yung temples na bawal, so hinuhuli kami. So sabi namin, vloggers lang kami, hindi naman ito movie. Mahirap but masaya naman, we had fund,” ang say ni Direk Roman Perez.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *