Sina Paulo, Paolo at Philip…… LJ REYES, SA LETRANG ‘P’ PA RIN BUMINGO

Sina Paulo, Paolo at Philip…… LJ REYES, SA LETRANG ‘P’ PA RIN BUMINGO

May be an image of 3 people and text that says "Sabee... OVETEAM, GANE ERN! ni: JULIE BONIFACIO"
No description available.
No description available.
No description available.

NAG-top trending sa Twitter si LJ Reyes pagputok ng news about her engagement sa non-showbiz guy na si Philip Evangelista. Ipinost ni LJ sa kanyang Instagram ang series of photos ng proposal sa kanya ni Philip. At sa caption ay nilagay niya ang verse sa Holy Bible, ang Jeremiah 29:11. Knows ng marami ang past two relationships ni LJ sa showbiz actors na sina Paulo Avelino at Paolo Contis kung aan nagkaroon ng tig-isang anak ang Kapuso actress.

Ang panganay na si Aki kay Paulo at si Summer kay Paolo. Incidentally, parehong letter “P” ulit ang start ng letter ng bagong lalaki sa buhay ni LJ. Sadyang mahilig kaya si LJ sa may pangalan na letter “P”ang simula o nagkataon lang?

Samu’t sari ang naging reaksyon ng netizens sa Ig post ni Lj. “Bakit kaya I am happy for LJ Reyes.. siguro after all the boys she loved, now she met a Man.” “Lj Reyes being engaged now is maybe a sign that those who have been broken into pieces and been cheated on are now their time to be happy. Like, tables do turn, right? Kami naman. Jeremiah 29:11, Indeed.” “Buhay mo yan pero wag masyadong ulaga tandaan mo 2021 lang ung breakup nyo ni Paolo Contis at my anak kau si Summer. Then previously lang din ung relationship mo with Paulo Avelino at my Aki nmn kau. Ano tatatlo pa? Ikalma Ang p___e” So, there.

ALL-TIME HIGH ONLINE VIEWERSHIP RECORD

NAGTALA ng panibagong all-time high online viewership record ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN sa loob lamang ng isang gabi noong Martes (Mayo 30) para sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Back-to-back ang record-breaking nights ng “FPJ’s Batang Quiapo” na nakakuha ng 408,614 live concurrent views. Isang makapigil-hiningang episode ang nasaksihan ng mga manonood matapos mamatay ni Greg (RK Bagatsing) sa salpukan laban sa grupo ni Tanggol (Coco Martin).

Tinutukan din ng viewers ang patuloy na misyon ni Apollo (Richard Gutierrez) sa “The Iron Heart” sa pagpapabagsak niya sa Tatsulok kaya naman nakamit nito ang panibagong all-time high live concurrent views na 304,208. Mas magiging kaabang-abang ang susunod na eksena ngayong napasabog na ni Adonis (Ryan Eigenmann) ang hideout ni Apollo at nalaman din ni Priam (Albert Martinez) na agent din si Eros (Jake Cuenca).

Panibagong online record din ang nakamit ng “Dirty Linen” na may 149,410 live concurrent views. Lalong umiigting ang mga rebelasyon sa serye dahil nanganganib na mabisto ang paghihiganti ni Mila (Janine Gutierrez) ngayon na bantay-sarado ang pamilya Fiero sa mga pulis matapos ang pagkamatay ni Carlos (John Arcilla). Mula Pebrero hanggang Abril 2023, nagtala ng higit 642 milyong total views ang tatlong Kapamilya primetime shows sa Kapamilya Online Live. Tumuloy na sa online tahanan ng ABS-CBN shows, ang Kapamilya Online Live, at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at i-like ang Facebook page. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok .

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *