dahil sa natural na akting sa serye…. JANICE DE BELEN, PINAGHIHINALAAN NANG ISANG TOMBOY

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

JANICE de Belen at Andrea del Rosario or Team Leolga pinakilig ang netizens sa ‘Dirty Linen.’ Napaka-epektibo ng pagganapan ni Janice de Belen bilang isang lesbian sa ABS-CBN series na Dirty Linen kaya marami tuloy ang nag-aakalang tomboy nga ang aktre sa totoong buhay. Ginagampanan ni Janice ang character ni Leona Fiero sa trending Kapamilya series na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz Seth Fedelin, Angel Aquino at marami pang iba. Ayon kay Janice, ito na raw ang pinakakakaibang karakter na ginampanan niya sa isang serye at natutuwa siya dahil talagang nagmamarka sa manonood ang kanyang akting.

“I think ito yung pinaka-excited ako na role na gawin in a really long time. Siguro because the script is exciting, it’s really different,” pahayag ni Janice. Ang dating sexy actress na si Andrea del Rosario ang lover ni Janice sa Dirty Linen. Ginagampanan naman ni Andrea ang karakter ni Olga Arguelles na aminadong natakot siya nang ibigay sa kanya ang karakter ng isang LGBTQ. Dagdag pa ni Janice, “Hindi siya ‘yung lagi kong ginagawa na nanay na mabait. Ito talaga kakaiba talaga, sobrang excited ako. So siguro ‘yung excitement ko, eh, nakikita sa ibinibigay kong work.” Actually nu’ng tini-tape namin siya, kahit naman kami, lahat kami sa cast, we felt the same excitement at saka lahat kami parang gusto naming mag-work. Kasi excited kami, ano ang magaganap, paano made-develop yung mga character namin. Hindi ko rin in-expect yon kasi hindi agad sinabi sa akin. Nung story conference ko lang din nalaman na ‘ah talaga.’ Alam mo nung narinig ko na magiging ganu’n yung role, wala na akong tinanong kung may kissing scene ba. Inisip ko na lang may possibility na baka mayroon. Pero it’s work, kung ‘yan ang kailangan,” kuwento pa ni Janice.

At dahil sa galing ni Janice, marami nga ang nag-aakalang lesbian siya in real life. May mga nagme-message pa raw sa kanya at tinatanong kung totoo raw bang miyembro siya ng LGBTQIA+ community. “Medyo ninenerbiyos din ako kasi parang iniisip yata ng tao totoo. At saka ang daming bumabati sa akin na Happy Pride, Happy Pride Month. Sabi ko, ‘ninenerbiyos yata ako.’ Kaya sabi ko ‘iniisip yata nila totoo,” natatawang sabi ni Janice. On Andrea’s part, naaaliw naman siya sa mga nababasa niyag komento sa kanyang Instagram account (@andreadelrosario_official) magmula nung lumabas ang lantaran nilang relasyon ni Janice sa ‘Dirty Linen.’ Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng netizens. “Nabigla ba kayo?” caption niya sa photo nila ni Janice na kanyang ipinost sa Imstagram. Marami naman ang kinilig sa tambalang Atty. Olga at Leona. “Oh my, pwede na ako matulog kasi kinilig na naman ako. Yahoo. Parang ayaw ko ng matulog sa kilig. Team Leolga love you!” “All I can say is Our Leolga Is Sailing!” “Shutabels, yung kilig ko abot hanggang heaven!” “Happy Pride Leolga!!!” “Ms. Andeng, yung mga puso namin pinasaya mo dahil sa pictures nyong dalawa!”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *