sa isyung woman empowerment… COLEEN GARCIA KINONTRA SI RYZA CENON

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

PARA kay Coleen Garcia, hindi totoo ang karaniwang sinasabi ng mag-asawa na ang babae ang totoong nagdadala sa isang karelasyon kaya ito nagtatagal. Giit pa ng aktres, base daw sa mismong karanasan niya kay Billy ay hindi siya ang nagdadala ng kanilang relasyon. Nilinaw din niya ang karaniwang sinasabi ng mga misis na kapag umayaw na ang babae ay katapusan na talaga ng isang relasyon.

“Alam mo, ako yung proof na hindi totoo yon,” paninindigan ni Coleen nang huli namin siyang makausap. “In all honesty, bago naging kami ni Billy, yung mga relationships ko parang ano, hindi siya lumalampas ng one year kasi sumusuko ako kaagad. As in wala, wala akong relationship na lumagpas ng one year. Pero now, going on nine years na kami ni Billy and I think it’s the first time kasi na nagkaroon ako ng partner na hindi ako kino-call. Parang pag sinabi ko na ayoko na, parang hindi niya sinasabi na, ‘Sige, okey, tapusin na natin ito!’ Parang never siyang pumayag, not even once. Not even one time naging option para sa kanya na maghiwalay kami,” paliwanag pa ni Coleen.

Wika pa niya; “May mga days din talaga na mahirap to forgive – not the big things – kasi notuto ako to forgive the big things. Ang mahirap para sa akin is yung instant gorgiveness everyday, yung mga maliliit na bagay. Kasi minsan mainit yung ulo, minsan may pinagdadaanan ka, di ba or something. So, para sa akin mahirap yung ipo-forgive mo instantly yung mga maliliit na bagay. Yung hindi mo siya maiipon.” Iba naman ang paniniwala dito ni Ryza Cenon.

Para sa aktres, ang babae ang nagdadala sa relasyon ng mag-asawa o ng isang couple. “Parang baligtad po…. Ako po ganun,” sabat ni Ryza na co-star ni Coleen sa Viva One series na Kung Hindi Lang Tayo Sumuko. “Kasi ako po, sa relationship po kasi ako yung bigay nang bigay. Hanggang sa mapuno na ako. Maubos na ako. Pag sinabi kong ayoko na, ayoko na! Ganun po ako. Kasi kahit ako, may isa akong relationship na parang nahuli ko rin po na nag-cheat siya, pero binigyan ko siya ng second chance. Pero yung peace of mind ko wala na. Kasi every time na male-late siya or hindi siiya mag-a-update sa akin iisiin ko na mambababae siya kahit hindi naman,” deklara ng aktres na nagkaroon ng special role sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ sa pilot episode nito.

Napakahalaga din daw kasi talaga ng trust issue para sa kanya pagdating sa relasyon. “Yung trust importante kasi yan sa relationship, yang trust, eh. Pag nasira yon parang hindi na siya magwo-work,” katwiran ni Ryza. Samantala, bukod kina Ryza at Coleen ay kasama rin sa “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” series sina Kiko Estrada, Rhen Escaño, Jerome Ponce at Carlo Aquino.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *