ngayong sasabak muli sa serye at movie…. “HINDI KO ALAM KUNG PAANO HAHATIIN ANG SARILI KO” -MARIAN RIVERA-DANTES

ngayong sasabak muli sa serye at movie…. “HINDI KO ALAM KUNG PAANO HAHATIIN ANG SARILI KO” -MARIAN RIVERA-DANTES

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

HINDI lang ang pagiging busy sa kabi-kabilang trabaho ang pinaghahandaan ni Marian Rivera. Magiging abala ang aktres dahil sa dalawang proyektong kanyang gagawin, isang teleserye at ang reunion movie nila ng asawang si Dingdong Dantes. Five years din kasing tumigil sa paggawa ng proyekto si Marian kaya sa kanyang pagbabalik ay gusto raw niyang maipagmalaki ito sa kanyang 2 anak na sina Zia and Sixto. “Gusto ko, kapag gumawa ako ng proyeko, pwedeng panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako. So, ito ‘yung isa sa mga proyekto na ‘yun,” ani Marian sa grand launch niya bilang brand ambassador ng pinakabagong produkto ng Beautederm, ang Jeju White lotion by BlancPro.

Dream come true naman daw ang movie na gagawin nila ni Dong dahil first time niyang gagawa under Star Cinema plus comeback film pa nila ito ng asawa after so many years. “Hindi ko lang alam kung paano ko hatiin ang sarili ko,” biro niya. Bukod sa acting projects, pinaghahandaan na rin ni Marian ang kanyang pagtanda. Hindi raw siya natatakot magkaroon ng wrinkles at kumulubot ang kanyang balat.

Deklara ni Marian, “Lahat tayo dadating diyan, lahat tayo tatanda. And for me, wala naman sigurong disadvantage.” Tanggap din daw ni Marian na lumilipas talaga ang ganda lalo na kung nagkakaedad ang mga babae. “Kailangan nating tanggapin ang katotohanan na, alam mo yon, hindi naman forever young ka. Pero, ang tanong, how do you take care of yourself habang tumatanda ka,” lahad ng 39-year-old actress.

Dagdag pa niya, “Kaya naman nandiyan ang ating mga lotions. Para alam mo yon, kasi yon naman talaga yon, eh. Kung paano mo alagaan yung sarili mo. Kasi, lahat tayo dadating diyan. Lahat tayo tatanda. “Yon nga lang, paano ka tatanda na mas maayos, mas maganda, di ba? For me, okey ako doon. In-embrace ko yung ganung pagkakataon.” Aniya, “Marami akong routine, eh. Maarte ako, eh. Yon yung sinasabi ko kay Ate Rhea [Tan], ang CEO and founder of Beautéderm Group, isa sa mga topic namin kapag nag-uusap kami, kahit way-way back pa… “Kung paano namin alagaan ang sarili namin, kung anong product nilagay namin sa face namin, kung ano bang kailangan naming moisturizer or sunblock, maingat talaga ako sa ganun.”

Iginiit din ni Marian ang halaga ng pangangalaga sa tinatawag na inner beauty. “Hindi lang palaging skin-skin. Siyempre, kailangan inside din, masaya ka, happy ka na alam mo yon, sa sarili mo, sa pamilya mo, sa lahat ng achievements mo… So, mahalagang combination yang dalawa na yan,” paliwanag pa niya. Samantala, iginiit ni Marian na ang skincare brand na ini-endorse niya ay afford ng masa. “Palagi kong sinasabi sa lahat ng mga ine-endorse ko, kailangan makita ko muna yung produkto. Kailangan magamit ko muna siya. So gusto ko i-endorse ko kasi ginagamit ko talaga siya at naniniwala ako sa produkto. So ito yung isa sa masasabi ko, isa sa mga magiging favorite ko talaga. At ang maganda diyan, parang katulad ni doktora, finormulate ito na mas maging affordable para sa mga gustong bumili. Hindi lang para magpaputi or magpakinis. So parang maintenance ba nila na na-affordable para sa kanila,” huling pahayag ni Marian.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *