tutok naman sa real estate property…. GERALD ANDERSON, KAKARIRIN ANG PAGIGING BUSINESSMAN

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

IPINAPALAGAY ng mga marisol na nagpasaring si Gerald Anderson sa ex niyang si Bea Alonzo nang mag-guest ang aktor sa vlog ni Isko Moreno. Natanong kasi ng dating city mayor ng Maynila si Gerald kung paano niya ide-describe ang relasyon nila ng girlfriend na si Julia Barretto. Ani Gerald, hindi nga raw niya namalayan na umabot na sa higit na tatlong taon ang kanilang relationship ng nobya. Sey niya, magaang karelasyon daw ang Viva artist. Simple lang daw ito at kailanma’y di nanunumbat sa kabila ng hectic schedule niya. Katunayan, suportado nga raw nito ang kanyang sports at pagnenegosyo. Minsan pa nga raw ay nahihiya siya sa oras na nailalaan niya kay Julia kaya naman bumabawi rin umano siya.

Nilinaw din niya na bagamat kasama sa plano nila ang pagpapakasal, gusto raw muna niyang maging stable financially at economically bago patali sa actress. Bet din daw muna niyang gumawa ng ‘legacy’ projects na puwede niyang maipagmalaki sa kanyang mga magiging anak once na naisipan niyang mag-retire sa showbiz. Sa tanong naman ni Yorme sa ‘take’ niya sa showbiz partners na nauuwi ang pagsasama sa hiwalayan, aniya, mahirap daw talaga ang ginagalawang mundo ng mga artista.

Somewhere along the way, posible raw ang conflict among showbiz couples pero naniniwala siyang in the end, napagtatagumpayan naman ito as long na nandoon ang love nila sa isa’t-isa. Bukod daw sa kanyang resort may binabalak pa siyang property na gustong i-develop. Pagbabahagi pa niya, as a businessman, importante raw na mahaba ang pisi ng isang tao sa negosyo.

No description available.

KIMSON TAN, YOUR NEXT CHINITO CHARMER

KATUNAYAN, bilang isang dating basketball star ng UST, taglay niya ang tangkad at looks ng isang matinee idol. Ayon kay Kimson, bet daw niyang makatrabaho si Kim Chiu. Dagdag pa niya, feeling daw niya ay magkakaintindihan sila ng actress dahil pareho silang nagsasalita ng Fookien at Mandarin Kahit banta sa chinito actors like David Licauco at Xian Lim, ayaw daw niyang makipagkumpentensiya siya sa mga ito. Ang maipagmamalaki lang daw niya ay ang kanyang work ethic na sa palagay niya ay magdidikta ng staying power niya sa showbiz. Si Kimson ay kaibigan din ng kontrobersyal na basketball player na si Ricci Rivero na ex ni Andrea Brilantes.

Nang mausisa sa isyu ni Ricci, aniya, ayaw daw niyang makialam sa pribadong buhay ng kanyang kaibigan. Wala rin daw masabi kung mas preferred niya ang non-showbiz girlfriend dahil ang kanyang career daw ang priority niya sa ngayon. Excited na rin si Kimson na simulan ang horror movie na “The Vigil” na iproprodyus ng Obra Cinema ni Enrico Roque at ididirehe ni Adolf Alix, Jr Sa movie, gagampanan niya ang papel ni Kit,ang lider ng isang grupo ng mga kalalakihan na masasangkot sa isang ritwal ng isang lihim na organisasyon. Kasama niya sa cast sina Will Ashley, Joaquin Manansala, Bruce Roeland, Carlo San Juan, Arjay Anson, Prince Carlos, Abed Green at Faye Lorenzo.

Bukod sa “The Vigil”, si Kimson ay bida sa international movie na “King of Hawkers” na kinunan pa sa Singapore. Nagsimula rin siya sa BL movie na “In Between” at kasalukuyang napapanood sa seryeng “Voltes V: Legacy.” Ani Kimson, hindi raw naman big deal sa kanya ang magpaseksi dahil confident naman siya sa kanyang body. Gayunpaman, ipinauubaya raw niya ang pagdedesisyon sa Sparkle Talent Management na siyang namamahala ng kanyang karera. Nasa cast din si Kimson ng sitcom na “24/7” ni Bossing Vic Sotto. Ilan pa sa acting credits niya ang “Mano Po Legacy: The Flower Sisters”, “Happy Times,” “Daddy’s Gurl” at “Daig Kayo Ng Lola Ko.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *