KIM CHIU, DREAM GOAL WINS

KIM CHIU, DREAM GOAL WINS

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

ANOTHER milestones ang dumating sa buhay ng “It’s Showtime” host na si Kim Chiu. Una, inannounce ni Kim sa kanyang latest Instagram post na umabot na sa three million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel . Pangalawa, bilang pasasalamat sa kanyang 3M YouTube ay ipinakita na niya ang kanyang newly-acquired property na isang resthouse. Unang pinasilip ni Kim ang bago niyang resthouse sa kanyang socmed account early this year. Doon ay na-reveal na ang video na nakapost ay nakunan noong December 31, 2022. Kaya malamang ay sa bago niyang resthouse nag-celebrate ng New Year. Last Sunday, unang inupload ni Kim sa kanyang YT channel ang kanyang pa-tour niya sa resthluse. Pahayag ni Kim, “As promised, ito-tour ko kayo sa aking resthouse and iikot ko na kayo sa aking safe place ay dito ko talaga tsina -charge ang sarili ko.” Ibig sabihin ni Kim sa pagtsa-charge nya sa sarili ay ang pagtakas malayo sa syudad at magpahinga, lumanghap ng fresh air. Pinakita rin ni Kim sa kanyang vlog ang mga ni-renovate niya sa kanyang resthouse gaya ng canopy sa labas ng bahay. Pahayag pa ni Kim, ”Sabi nga ng friend ko, never under estimate the power of your dreams. And, isa ‘to sa mga dreams ko na magkaroon and I’m very happy na nandito na siya. Nae-experienxe ko na siya and nahahawakan ko na ‘yung isa sa mga pangarap ko sa buhay.” Sa short video na napanood namin sa Instagram post ni Kim, never din niyang binanggit ang location ng kanyang bagong resthouse. Kung tatantyahin, more or less P100M ang halaga ng bagong resthouse ni Kim. Sabee.

No description available.

AGAW-eksena ang tandem nina Sean Tristan at Raven Rigor sa ginanap na special screening ng bagong iWantTFC Original Series titled Fractured. Kung may FranSeth, ‘SeVen’ naman ang tawag ng fans sa kanila. Tinanong ang SeVen kung mako-consider na loveteam? Para kay Raven, kinunsider na niya si Tristan na kalabtim on screen. Katunayan, handa na rin daw sila ni Tristan na ma-level-up ang loveteam nila including a possible lead role para sa isang BL series.

Ayon kay Raven, “Pinag-uusapan namin talaga yung dreams namin na becoming an actor, nagshe-share kami. Sabi namin, any roles, okay lang as long as feeling ko kaya natin. Yung sa next level, oo naman. Open ako kahit saan na roles, if ever na may maka-partner. Pero ngayon, I treat yung pair up natin as my current love team. Kahit mag-level up yun, good.” Sinang-ayonan ni Sean ang mga sinabi ni Raven. “If ever na mabigyan ng chance na ma-pair up sa iba na love team, I would take it. Pero, right now, for me ang top priority ko talaga yung SeVen, kaming dalawa. We really formed a genuine connection. I feel like may mas kaya pa kami, may ibubuga pa kaming dalawa if given the chance. We’re very ready to take it to the next level. Willing kaming dalawa. We always talk about it. It’s part of our dreams and goals,” lahad ni Raven.

Iikot ang kwento ng serye sa pitong social media influencers na inimbitahan sa isang mala-paradise na island resort na Bella Vista. Sa kabila ng kanilang online fame, meron din silang mga itinatagong bubog dahil sa kani-kanilang mga masasakit at nakakaawang nakaraan. Directed by Thop Nazareno.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *