OPENING NG SEASON 48 NG PBA SA OKTUBRE KINANSELA, ITINAKDA SA NOBYEMBRE 5

OPENING NG SEASON 48 NG PBA SA OKTUBRE KINANSELA, ITINAKDA SA NOBYEMBRE 5

No description available.
No description available.

KINANSELA ng Philippine Basketball Association (PBA) ang unang itinakdang pagbubukas nito sa buwan ng Oktubre at sa halip ay bubuksan ang ika-48 na season nito sa Nobyembre 5, 2023.

Dahil nitong mga nakaraang Linggo ay naging abala ang mga komite sa sunud-sunod na pagtatanghal ng 2023 FIBA World Cup, at ngayon ang binibigyang pansin naman sa paghahanda ay ang 19th Asian Games kaya’t nagbunsod ng pagpapaliban para bigyang-daan umano ang mga manlalaro na makapagpahinga.

Ang PBA Season 48 Commissioner’s Cup ay inaantabayan para sa darating na isang tip-off sa November 5, naunang itinakda ng PBA ang pagbubukas ng kanilang bagong season sa October 15, subalit inihayag ang pagbabago ng iskedyul kamakailan. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na ang desisyon ay ginawa para payagan ang mga manlalaro na naglaro sa 2023 FIBA World Cup na torneo, at ngayon ilan sa mga players nito na bigyan ng oras “para makapag-pahinga din naman yung mga players natin dahil sunud-sunod ang mga competition” upang manumbalik na may kalakasan pisikal, kasunod ng isang buong taon na timetable ng paglalaro.

Ipinahayag ni Marcial, “Hindi biro ang sakripisyo nila kaya dapat lang bigyan natin sila ng sapat na panahon para makapagpahinga.” Dagdag pa ni Marcial, “Gusto rin natin makapaghanda ng mga teams para sa darating na season.” Katatapos lang ng kompetisyon ng pambansang koponan sa FIBA World Cup, ngunit kasalukuyang naghahanda pa rin ang Pilipinas para sa Asiad o Asian Games na darating sa susunod na Linggo. Ang mga manlalaro ng PBA ay bumubuo ng matatag na koponan ng Gilas Pilipinas na sasabak sa Asian Games sa Hangzhou, China sa huling bahagi ng buwang ito, September 23 hanggang October 8 2023.

Pangungunahan ni Coach Tim Cone ng Barangay Ginebra ang Team Pilipinas para alagaan ang mga players na nasa poder nito tungo sa hinahangad na tagumpay ng bansa para sa 2023 Asian Games. Nabatid sa ulat na ang pambansang koponan ay nagsagawa ng kanilang unang pagsasanay noong Lunes, kasama sina Calvin Abueva, Terrence Romeo at iba pang mga mandirigmang manlalaro ang nakitang lumahok sa ehersisyo. Kasabay nito, binibigyan-diin ang bawat koponan sa PBA ng panahon para maghanda sa bagong season at bumuo ng chemistry sa mga rookie na pipiliin nila ngayong Linggo at ang kani-kanilang import na darating para sa pagbubukas ng season na Commissioner’s Cup. Samantala, alinsunod sa record na mayroong 128 Aspirants ang nag-apply para sa draft combine, kabilang ang 31 Filipino-foreign players ang nagpatala. (Joseph Elias Bontogon)

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *