PINIGILAN NG GILAS PILIPINAS ANG CHANGWON LG SHAKERS SA TUNE-UP BAGO ANG ASIAN GAMES

PINIGILAN NG GILAS PILIPINAS ANG CHANGWON LG SHAKERS SA TUNE-UP BAGO ANG ASIAN GAMES

No description available.
No description available.

NAPIGILAN ng Gilas Pilipinas men’s team, ang South Korean Basketball League na Changwon LG Sakers na manalo, matapos isagawa ang una at tanging tune-up game kahapon sa iskor na 86-81 sa PhilSports Arena, bago umalis patungong Hangzhou, China para sa 19th Asian Games 2023. Pinangunahan ni naturalized Filipino citizen na si Justin Brownlee ang bansa na may game-high na 19 puntos habang nakakuha din ng solidong kontribusyon mula kina June Mar Fajardo na 16 puntos sa 5-of-7 shooting mula sa field, at si Calvin Oftana na may 13 puntos at 11 rebounds, ang karamihan sa kanyang mga puntos ay tumutulong sa muling pagsisimula ng opensa ng Gilas sa isang tune-up na laro na libre sa publiko.

Nag-ambag din sina Arvin Tolentino ng 9 puntos at CJ Perez ng 8 puntos sa ikatlong quarter. Kalaunan nagkaroon ng 70-all deadlock, subalit ang Gilas national team ay nag-uncork at bumulusok ng 12-5 exchange para makakuha ng 82-75 upper hand laban sa mga Koreans sa kalagitnaan ng fourth period. Ngunit lumaban ang Koreano sa loob ng 84-80 na may halos tatlong minuto na lang ang natitira. Subalit nagpakawala si Brownlee ng isang matinding shot para panatilihing nangunguna pa rin ang koponan ng Pilipinas. Umiskor si Brownlee sa isang drive na may 1:34 na natitira sa fourth para pataasin ang kalamangan ng Gilas sa 86-80 bago makuha ang panalo sa bandang huli.

Kasama sa line-up ng team Gilas Pilipinas para sa scrimmage na nasaksihan mismo ng live ng mga Filipino basketball fans ang mga bagong dagdag ng koponan na sina Perez, Tolentino, Chris Ross, Kevin Alas, at Marcio Lassiter. Kasama rin sa laro sina Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Ange Kouame, at Chris Newsome Pinangunahan naman ng dating NBA player na si Dante Cunningham ang koponan na LG Sakers na natalo sa pagsisikap na umiskor ng 18 puntos na may rekord na 12-of-33 mula sa three-point area sa paligsahan. Nagdagdag rin ng 13 puntos ang isang import ng LG Sakers na isang Egyptian na si Assem Marei na may 8 rebound, 2 assist, at 2 steals.

Nasa Group C ang bansang Pilipinas at makakalaban nito ang bansang Bahrain sa Setyembre 26 (1:30pm), ang bansang Thailand sa Setyembre 28 (11:00am) at ang bansang Jordan sa Setyembre 30 (5:30pm) sa preliminary round. Nakatakdang lumipad ang team Gilas sa Hangzhou, China ngayong Sabado bago maglaro laban sa team Bahrain sa Setyembre 26 ng Martes para sa basketball event na 19th edisyon ng Asian Games. (Joseph Elias Bontogon)

The Scores: GILAS PILIPINAS 86 – Brownlee 19, Fajardo 16, Oftana 13, Thompson 11, Tolentino 9, Perez 8, Kouame 6, Alas 2, Aguilar 2, Ross 0, Newsome 0, Lassiter 0.

CHANGWON LG SAKERS 81 – Cunningham 18, Marei 13, Lim 11, Lee 9, Yun 8, G Lee 7, Yang 6, Jeong 6, AW Lee 3, Gutang 0, Jung 0, SH Lee DNP, Kim DNP. Quarters: 20-19, 47-39, 68-67, 86-81.

May be an image of 1 person, playing basketball and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *