Ipinakilala lang sa isang event…. SUNSHINE CRUZ, CLUELESS BAKIT NA-LINK KAY VICE GOV. MARC LEVISTE

Ipinakilala lang sa isang event…. SUNSHINE CRUZ, CLUELESS BAKIT NA-LINK KAY VICE GOV. MARC LEVISTE

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

TODO-iwas si Sunshine Cruz sa pagsagot tungkol kay Batangas Vice Governor Marc Leviste. Inili-link kasi si Sunshine sa ex-boyfriend ni Kris Aquino. Balitang nanliligaw daw kasi si Marc kay Sunshine. Bagay na matinding pinabulaanan ni Sunshine sa amin nu’ng makausap namin siya sa finale mediacon ng Unbreak My Heart. “Naku! Ayun,” patanong na pagtukoy ni Sunshine kay Marc. Diin pa niya, “Hindi ko nga alam ang mga mangyayari na ‘yan.” Clueleas din talaga si Sunshine kung bakit siya na-link kay Marc. Out of the blue ay may biglang pumutok na isyu sa kanila. “Oo nga, eh! Merong nagsasabi nga sa akin, parang everyday….parang hindi siya tumitigil. Parang nagsa-sanga-sanga na,” pagtataka ni Sunshine. “So, wala naman ako’ng pwedeng sabihin d’yan coz’, ano ba? Parang nakilala ko lang Vice-Governor Marc nu’ng birthday event at anniversary ni Sen. Ramon “Bong” Revilla. “I was one of the performers and he approached me to introduced himself. Oo, nagpakilala lang. Wala namang malice. Hindi ko naman binibigyan ng malice ‘yun,” kwento pa ni Sunshine.

Wala rin daw naganap na palitan or pagkuha ni Marc ng number niya. At kung makikipag-relasyon o may relasyon man ngayon, ayaw na ni Sunshine na maging public item ang kanyang lovelife. “Nasabi ko na ‘yan a few months ago nu’ng nag-presscon, na as much as possible, I’m 46 years old and I don’t want to tallk about my personal life after nu’ng nangyari sa akin in the past,” paliwanag ni Sunshine Pakiusap pa niya, “So, bigay n’yo na lang sa akin. Balato niya po sa akin.” But what if, isang celebrity din ang karelasyon ni Sunshine, parang anf hirap maitago sa publiko. “Hindi naman ako kukuha ng celebrity,” matigas na tanggi ni Sunshine. “Ayoko na. I just want to focus now sa kids and uh, sa mga dogs ko. Ganoon naman po.” But when asked kung posible na magkaroon siya ng boyfriend na isang politician, panahon lang daw ang nakakaalam. “Naku! Ngayon talaga hindi natin alam. Wala doon amg focus ko. But I’m not closing my doors na malay ninyo after five years, ten eyars, we don’t know kung may dumating. But for now talaga, hindi ko hinihintay,” lahad ni Sunshine.

No description available.

Anyway, may five weeks pa ang viewers para patuloy na tutukan ang pasabog na ending ng Unbreak My Heart nina Jodi Sta.Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia and Joshua Garcia. Ni-reveal ni Sunshine na supposed to be guest lang siya. “Guest lang ako and I accepted it kasi sabi sa Europe raw ang taping. So, sa akin parang, ‘Guest appearance lang. Bakit?’ Ganu’n pa ako nu’ng una. Pero tinanggap ko because I really wanted to work again with Jodi and Papa Chen. Kasi nakatrabaho ko lang sila as guest sa ‘Be Careful With My Heart.’ So, sabi ko, pambihira guest na naman. Pero, hanggang sa pag-uwi ng Manila uh, Dreamscape called in to me that I’ll be one of the regulars.So syempre, blessing ‘yan and I’m very, very happy.” Sa Milan, Italy kinunan amg mga eksena ni Sunshine. Two weeks din daw siya nag-stay sa Milan. Kwento niya, “May nagagalit pero nagpapasalamat ako kay Christina Zhang. So sa mga Twitter nga, messages may magsasabi sa akin na uh, ‘Sunshine Cruz, we love you. But we really hate Christina Zhang. So, nakakatuwa naman na at least, nadi-differentiate naman ng trabaho nu’ng character sa personal. Though, san ko ba nabasa? Sa Facebook ata na parang, ‘Pampagulo ka lang sa JoChard. Umalis ka d’yan, Sunshine.’ May mga ganoon. Pero given naman ‘yun. Expected ko na. Ang akin, just as long as affected ‘yung mga tao it means na tama ang ginagawa ko,” ngiti ni Sunshine.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *