DANIEL PADILLA, BUMIGAY NGA BA KAY ANDREA BRILLANTES?

DANIEL PADILLA, BUMIGAY NGA BA KAY ANDREA BRILLANTES?

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

TILA may katotohanan ang balitang apektado ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa tsismis na nagkatikiman o kaya’t sa madaling salita, si Andrea Brillantes ang naka-una sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla? Di pa rin kasi humuhupa ang katsismisang binalita ng YouTube vlogger na si Ogie Diaz a kanyang vlog na ‘nagkatikiman’ daw ang dalawa kahit karelasyon na ni Kathryn si DJ (palayaw kay Daniel)? Ngunit nilinaw din ni Ogie, na nasagap lamang niya ang DJ-Andrea tikiman isyu sa isang source na ayaw nilang pangalanan. Ani Ogie, nasagap lamang niya ang tsismis at wala namang kumpirmasyon sa magkabilang panig.

At sa galit ng mga fans Kay Ogie, tinawag siyang tagapaghasik ng fake news? Dahil dito big deal sa mga netizens at KathNiel fans ang pag-unfollow ni Kath sa aktres ding si Andrea? Mukhang nasaktan nga si Kathryn sa isyu kaya’t ayaw na nitong makialam pa sa social media pag nababanggit ang isyu at sa mga pinaggagawa ng Senior High star. Sa gitna ng Daniel-Andrea issue matapat na inamin ng sikat na actor na si Joshua Garcia na long-time na niyang crush si Kathryn Bernardo. Hindi lang makaporma si Joshua dahil best friend niya si Daniel na bf ng aktres.

Sa panayam sa kanya ng Cosmopolitan Philippines, naitanong sa binatang actor kung sino ang celebrity na kanyang unang naging crush? “Si Kathryn!” sagot ni Joshua. Paliwanag niya, “Kaya ko siya naging crush, tanda ko pa noon, first time kong nanood ng sine sa SM-Batangas, first experience kong manood ng sine at ang pinanood ko yung Must Be Love nila ni Daniel. at yun naging crush ko na si Kathryn,” kuwento ng actor. “Importante kasi sa akin yung values at kung paano siya makisama,” dagdag pa ng actor.

No description available.

SA trailer pa lang ng “In His Mother’s Eyes” ay pinatikim na ng mga lead stars na sina Roderick Paulate at Maricel Soriano ng mga drama scenes kung saa’y nagtatarayan ang dalawa. Matindi rin ang dialoque ng dalawa na tila mortal na magkaaway. Sa mga naunang pahayag ni Roderick, bespren sila ni Marya, tatlong dekada na ang nakakaraan at gamay na niyang arte at kilos ng isang Marya. Magkasakitan man sa sampalan, alam nilang akting lamang yun at trabaho lang, walang personalan. Kaya naman maraming netizens na ang nakaabang sa showing ng “In His Mother’s Eyes” ngayong Nobyembre 29 in all theaters nationwide. #InHisMotherEyes

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *