DEREK RAMSAY, BINUKING NA DA BEST SA ‘HIMASAN’ ANG MISIS NA SI ELLEN ADARNA

DEREK RAMSAY, BINUKING NA DA BEST SA ‘HIMASAN’ ANG MISIS NA SI ELLEN ADARNA

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

INAMIN mismo ni Derek Ramsey sa kanyang MMFF entry na Kampon na di lang isa, kundi tatlong beses itong nakaranas ng pagtayo ng kanyang balahibo sa mga eksenang kanyang nagawa. Sa kanyang pagganap bilang ex coronel kaya alam ng nasa likod ng kamera na epektib ang kanyang role na astig. Pero may pagkaduwag din pala pag supernatural na ang kanyang makalaban. Isa sa mga eksenang nagpatayo ng kanyang balahibo ay ang maiinit niyang eksena kay Zeinab Harake na nahagod ang kanyang buhok kaya napangiti nalang ito na parang may ibang ibig sabihin.

Marahil nadala sila sa eksena sa kama ng mahimas ang kanyang ulo na alam naman ng lahat ay laging kalbo. Kung makikita ang reaksyon ni Ellen Adarna na kasama niya nung nag-premiere night at umasim ang mukha nito. At parang may nagbabadyang bagyo ngayong pasko dahil sa kapilyuhan ng aktor. Di naman nagpatinag si Zeinab sa pagpaseksi kahit kinakabahan sa kanilang bedscene, ay enjoy naman daw ito lalo pa macho at lalaking lalaki ang kanyang kaeksena sa kama. Kahit pa horror ito ay di naman nawala ang kanilang kagat kung kagatan sa labi lang ang pag uusapan. May mauusong salita na naman dito sa movie lalo pa bagong dinig sa ganitong pelikula ang ‘hagod, hagod’ o sa tagalog ay himas parang double meaning ito.

Pero ito talaga ang tatatak sa isip ng masa paglabas mo sa sinehan. Kaya ng sabihin ni Derek Ramsey na ang kanyang asawa ang da best humimas ay nagtawanan nalang mga fans sa loob ng sinehan dahil nga naman, napahiya at napa-jingle na lang ang kanyang misis. Pero ang bwelta naman ni Derek ay pala-ihi raw ito at lagi sa CR. Hayan mukhang badtrip na ang seksing bisaya aktres pero cool pa din ito kahit naloloka na sa mga revealation ng aktor. Kahit paos ito ay pilit pa din nakipagjamming sa mga nagtatanong sa kanyang buhay sa probinsya at tuwang tuwa naman ito bilang stepdad ni elias na tinuring na siyang ama. Sa ngayon umaasa na maging best actor siya sa MMFF awards sa Dec.27, kaya naghahanda na itong dumalo sa kanyang kauna unahang entry sa MMFF at inimbitahan nito mga Pinoy na tangkilin lahat ang mga ipapalabas sa Dec.25 at buhayin ang namamatay na industriya ng pelikulang Pilipino.

No description available.

DI nagpatalo ang nag iisang jukebox queen sa mga entry ng MMFF ngayong Kapaskuhan kahit pa di kasali ang kanyang pelikulang Loyalista ay nagpa red carpet premiere night ito. Kasabay ng parada ng mga artista nung sabado sa Resorts World Manila, Di lang isa kundi marami ang naganap sa premiere night ang kanyang entry dapat sa MMFF. Dito sa mga probinsya ng Luzon, Visayas At Mindanao pati sa Amerika, may tour pa si Imelda Papin. Nagkagulo naman sa sinehan ng madapa at matisod ang kanyang loyal na sekretarya ng di magkanda-ugaga ito sa pagsunod sa kanya, talagang senyales ito na may darating na swerte sa tuwing may mangyayaring aksidente.

Kung maalala lamang ng mga loyalista ni Imelda Papin ay nadapa ito noong nag birthday concert ito sa Resorts World Manila theater ng maapakan ng sentimental jukebox queen ang props ng isang dancer, kaya ito sumemplang sa stage, kaya itong pangyayaring naganap sa kanyang alalay ay sadyang magdadala ng swerte unang-una kahit di na niya ito ipalabas sa 2024 ay tubong lugaw na ito ikaw ba naman, kung si BBM na ang kanyang major producer, mga politikong may malalaking pondo at endorsement, aba kahit gawin na ⁷lang itong libreng film showing sa bawat paaralan ng Pilipinas ay matutulungan pa si Imelda Papin lalo pa tatakbong senador ito sa susunod na eleksyon at todo-todo ang ang kanyang proyekto lalo na malapit na ang krismas party ng mga miyembro ng Kapisanan Ng Mga Artista Sa Pilipinas O KAPPT.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *