KASONG ESTAFA NA ISINAMPA LABAN SA ILANG HIGH PROFILE CELEBRITY, IDINETALYE NI JOEL CRUZ

KASONG ESTAFA NA ISINAMPA LABAN SA ILANG HIGH PROFILE CELEBRITY, IDINETALYE NI JOEL CRUZ

May be an image of 3 people and text
No description available.

IDINEMANDA ng perfume tycoon na si Joel Cruz ang ilang high-profile society personalities sa Prosecutor’s Office ng Manila City Hall noong Miyerkules, January 17. Personal naming nasaksihan ang pagpa-file ni Joel ng kaso sa Prosecutor’s Office sa Manila City Hall. Unang dumating sa Manila City Hall ang abugado ni Joel na si Jasmine Sy at mga taga-National Bureau of Investigation (NBI) officers. At exactly 2:30 pm ay dumating naman si Joel sa labas ng Prosecutor’s Office kung saan naghihintay ang kanyang abogado at mga tauhan ng NBI. Nagsampa ng estafa case si Joel sa isang grupo kung saan ang iba ay kakilala at kaibigan niya gaya ni Becky G. at Albert Andrada.

May pinakilala rin daw kay Joel sina Becky at Albert na sina Angel de Jesus, Lawrence Plata at si Roda Agasen. Sa exclusive interview namin kay Joel sa labas ng Prosecutor’s Office sa Manila City Hall, idinitalye niya ang rason sa paghahain niya ng demanda sa mga high-rank society personalities.

“Sabi nila isasali raw nila ako at ang aking walong anak sa isang fashion show sa Paris na gagawin sa Westin Paris Vendôme. Uh, rarampa kami at gagamitin namin qng mga damit ni Albert Andrada. Pero hindi kasi ito nag-materialized. Hindi siya natuloy. Napangakuan kami ng ilang beses. Pero walang naganap talaga,” panimula ni Joel. “Noong January last year, may nauna ng fashion show si Albert na na-cancel. Ni wala raw valid reason kung bakit ‘di na itinuloy ang fashion show… Una, January 2023 kinansel nila ang fashion show. Wala namang valid o magandang dahilan ‘noh. Pero nakabili na ako ng mga tickets that time, e. Business class kami kaya ang laki rin ng (halaga) ng tiket namin. Ang laki ng ginastos ko.

Pero nakabili na si Joel ng mga tiket nila at business class pa, hah. Kaya doon pa lang ang laki na ng nagastos ni Joel. ” Siguro ano, more or less nasa P2M ang tiket namin dahil walong bata, ako. Tapos ‘yung mga assistant ng mga bata, mga kapatid ko, pamangkin ko, yaya. Mga 19 or 21 kami na pasahero. Yung cancellation mga umaabot din ng kulang-kulang P500K e. ‘Yun ang cancellation sa Emirates. Ngayon uh, nagbayad ako. Sabi nila, pinagbabayad ako ng P4M. Para sa. pag-participate ko sa fashion show. Rarampa ‘yung mga bata at ako para kay Albert Andrada. Actually, kahit nga damit ni Albert Andrada para sa amin ay walang nakita. Kahit design nga e, walang napakita. nakita,” malungkot na kwento ni Joel.

Bale, nagbuo raw ng isang business ang grupo nina Andrada. At doon nagbayad ng P4M si Joel. “Na-cleared ‘yung tseke. Nasa kanila ‘yung pera na P4M. Pero walang nangyari. Walang naganap. Alam mo nu’ng June 2023 lumipad kami ng Paris para sa July fashion show. Mga ano ‘yun, e, Emirates via Dubai. Pagdating ko ng Dubai, may text message ako na natanggap. Na cancelled daw ‘yung fashion show,” lahad ni Joel. Galing daw kay Becky ang text na natanggap niya na cancelled na ang fashion show. “Uh, kaya sabi ko, ano ba ito? Sana sinabi sa amin earlier para hindi na kami umalis,” diin niya.

Lahat daw sila nakarating sa Paris at pagdating nila sa airport doon ay kinunan agad ni Joel ang apat na malalaking boxes na dala nila. Mga damit daw ‘yun na pinagawa ni Joel sa kilalang designer para sa mga kapatid niya na manonood ng fashion show sa Paris. Pinatahian pa raw sila ni Joel ng mga damit dahil nakakahiya nga naman na basta-bastang outfit lang ang susuotin ng kanyang pamilya. Kaya panibagong gastos daw ‘yun.

Tatlong beses daw na-cancel ang show. At sa pangatlo, disaster raw ang inabot nina Joel at ng kanyang pamilya. Nakipag-usap daw sa kanila ang mga sinampahan niya ng estafa case pagkatapos ‘di naibalik ang usapan nila na halagang nakalagay sa pinirmahan nilang kontrata. Ginawa raw ito ni Joel ‘di lang para sa kanya kundi para na rin sa iba pa na maaaring maging biktima ng ganitong pangyayari.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *