di na ni-renew ang kontrata…. DANIEL PADILLA, LAGLAG SA DATING SOFTDRINK NA INI-ENDORSO NILANG DALAWA NI KATHRYN BERNARDO?

di na ni-renew ang kontrata…. DANIEL PADILLA, LAGLAG SA DATING SOFTDRINK NA INI-ENDORSO NILANG DALAWA NI KATHRYN BERNARDO?

May be an image of 3 people and text
No description available.

PAGKATAPOS ilaglag sa imbitasyon sa kasal ng kaibigan niyang si Dominic Roque, ayon sa mga report, mukhang laglagey ulit si Daniel Padilla sa isang product endorsement. Napansin kasi ng netizens ang pinost ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram ang ilang pictures niya habang hawak ang isang can ng softdrinks. Matagal na nagkasama sina Kathryn at Daniel bilang endorsers ng softdrink product. Pero sa pinost ni Kathryn na obviously ay bagong photo shoot ‘yun for her para sa softdrink product. Solo na lang daw si Kathryn, as endorser, ng naturang produkto. At mukhang ‘di na ni-renew si Daniel. Nakakalungkot ang balitang ito for Daniel dahil baka magsunuran na rin ang iba pa nilang ini-endorse na products ni Kathryn. Ganern.

No description available.

UMAAPAW ang blessing sa mag-partner na sina Ice at Liza Diño Seguerra sa panimula pa lang ng 2024. Bukod sa kaliwa’t kanang singing engagements ni Ice at professional career ni Liza as film festival executive, dami-dami rin nilang proyekto para sa kanilang Fire & Ice company. Nagpro-produce ng concert and film, nagha-handle ng artists at ngayon naman ay nag-join na rin sila as one of the owners ng bagong bukas na Rampa na matatagpuan sa may Scout Albano sa Kyusi.

Ang Rampa ay isang drag club lung saan owners din sina RS Francisco, ang grupo ng Divine Divas at iba pang non-showbiz partners nina Ice and Liza na nagkaroon ng soft kamakailan at dinagsa ng maraming members ng LGBTQIA+ ang bagong drag bag. Ayon kay Ice, “Lahat ng partners may kanya kanyang ambag. It’s not just a business for us eh. Kaya we’re all excited to do this because kumbaga, hindi man ako drag artist, but kami ni Liza we conceptualized their show, yung Divine Divas, the Ultimate Drag Experience. At the same time, we’re big fans of them. We have expertise in the different parts of drag. So of course, imagine-in niyo yung puwedeng mangyari na magkakasama kami nila RS, and the Divine Divas.” No doubt na magiging bagong tambayan ng mga famous celebrities LGBTQIA+members na nag-out na. At pwede ring sa gustong magladlad na ang mga ‘nangangamoy’ na fampus celebrities na ‘di makapag-out.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *