ANGELU DE LEON, TABLADO KAY CLAUDINE BARRETTO

ANGELU DE LEON, TABLADO KAY CLAUDINE BARRETTO

May be an image of 1 person and text that says 'Iohn S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.

NABAHIRAN ng intriga ang masayang selebrasyon ng 20th wedding anniversary ng mag asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ng umeksena ang aktres na si Claudine Barretto. Ayon sa aming source sa portion daw na tinawag ni Gladys ang mga celebrity friends niyang dumalo sa kanilang okasyon ay binanggit ng mahusay na aktres ang plano nitong pagsamahin sa isang pelikula ang kanyang mga artistang nasampal sa pelikula o telebisyon at ito nga sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto at Angelu De Leon.

Pero ng banggitin ni Gladys ang pangalan ni Angelu ay biglang nag iba ang mood ni Claudine na biglang may pagtataray na sinabing “Anong Angelu? Walang Angelu. Tayong tatlo lang (Judy Ann Santos, Gladys Reyes, at Clau).” At paulit-ulit niya pa niya itong sinabi na ikinaloka ni Gladys, kaya naman nagulat ang mga entertainment press at iba pang bisita sa ginawa ni Claudine. Mabuti na lang at nakaalis na si Angelu kasama ang kanyang asawa sa portion na yun or else baka nga daw nagkagulo ng mga oras na yun. Di pa daw natapos ang eksenang iyon dahil nag dialogue pa si Claudine ng gabing iyon at nagsabing “Ngayon niyo ako interviewhin palaban ako,” na ikinagulat muli ng mga invited press na nag iisip kung ano ba ang dahilan dahil parang galit na galit si Claudine kay Angelu.

No description available.

VERY successful ang katatapos na first major concert ng Asia’s Trans Dual Diva na si Sephy Francisco entitled This Is Me Sephy na ginanap Rampa Kung saan hindi naiwasang maiyak ni Sephy sa sobrang saya sa dami ng taong nanood ng kanyang konsiyerto sa panguguna ng kanyang mga magulang na sina Elmer at Jocelyn Francisco at pamilya, kung saan inalay nito ang kanyang konsiyerto at ang rason kung bakit niya gustong magtagumpay sa larangan ng pag awit. Kung saan naging espesyal na panauhin nito ang former West End Ms Saigon at mentor na si Ms Ima Castro at The One 690 Showboys. Ang konsiyerto ni Sephy ay hatid ng BB House of Talents nina Cecille Bravo and Raoul Barbosa na siya ring naging Director at sina Jeffrey Dizon ( Assistant Director ), Jopper Ril ( Musical Director ), Raymund E. Saul and Jovan Dela Cruz ( Wardrobe ),Mikkay Gonzales ( Make Up Artist ), Louis Catamora Jonald Aleddzurc, Aimond Schutz ( Production Assistants) and Yourstrully (Publicity).

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *