CLAUDINE BARRETTO, SINIWALAT KUNG BAKIT ‘HATE’ SI ANGELU DE LEON

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

USAP-usapan ang ginawang ‘eksena’ ni Claudine Barretto sa party ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas. Nabulgar kasi na ayaw palang makatrabaho ang kasabayan ng kasikatan nila ni Judy Ann Santos noon na si Angelu de Leon. Sa ekslusibo naming panayam kay Claudine ay kunuwento niya ang dahilan kung bakit ayaw niyang makatrabaho si Angelu. Ayon kay Claudine, “Kasi, not for anything, ayoko na siyang pag-usapan. Pero alam mo, ilang taon na ‘yan, eh. Paulit-ulit.lang” tila naiiritang sabi ni Claudine.

Dalawang bagay ang tinukoy ni Claudine na rason kung bakit ‘hate’ niya si Angelu. Alam mo, unang-una, ayoko na sanang mapagusapan ano. Pero uhm, ako transparent ako. Napaka-transparent ko. There are two instances. Nu’ng nagka-problema si Jolina (Magdangal) at saka nu’ng nagka-problema kami ng mga kapatid ko. Na uh, both times may presscon siya noon. At saka, nagbigay siya ng ano, what do you call this? Ng advice,” lahad ni Claudine. Nagsalita raw si Angelu sa presscon mg project niya tungkol kay Claudine. “Through the press people sa presscon na… I don’t belong to. I didn’t belong sa kung anuman ‘yung prino-promote niya doon,” diin niya tsika pa ni Claudine, “Buti kung isang beses, eh. Dalawa. parang ang akin, ano’ng pakialam mo doon, ‘di ba? Kung wala ka’ng magawa, tumahimik ka na lang, ‘di ba? Ang career mo ang pagusapan mo, huwag ‘yung career ko. ‘Yun lang ang ano ako. Kaya ayaw ko siyang makatrabaho. Kasi parang hindi siya nagbago.”

Alam daw ni Angelu ang damdamin ni Claudine sa ginawa niya. Ilang beses daw niyang tinawagan si Angelu. Pero feeling ni Claudine, iniiwasan siya ni Angelu na kausapin.

No description available.
No description available.

ONE of the most enduring and well-loved couples sa showbiz sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Kaya ‘wag magtaka kung bakit sumipot ang mga kaibigan nila from in and out of showbiz sa kanilang 20th wedding anniversary celebration last Saturday. Bago pa man ikasal sina Gladys at Christopher noong January 23, 2004, eleven years ng magkarelasyon ang dalawa bilang magkasintahan.

Sa loob ng 31 years, merong pagsisisi si Gladys na isiniwalat niya sa mga invited entertainment press sa double celebration ng mga Sommereux (real surname ni Christopher Roxas). “Sana mas maaga kaming nag-anak. Yun pa yung regrets namin kasi nakunan pa nga ako, di ba, honeymoon baby namin,” lahad ni Gladys. Apat ang naging anak nina Gladys at Christopher. Panganay ai Christoph na kasabay nag-celebrate ng kanyang 18th birthday sa wedding anninersary ng parents niya.

First year HRM student sa UP Diliman si Christoph and on the night ng kanyang birthday celebration ay isang malaking sorpresa ang tumambad sa kanya. Pumirma siya ng exclusive contract para sa ABSCBN Music. Dahil sa mga anak kaya naisipan ni Gladys na muling bumalik sa eskwela. This time, gusto niyang magaral sa kolehiyo at kumuha ng kursong Mass Communication. Anyway, hindi binigo si Gladys at Christopher ng kanilang mga kaibigan gaya njna Vice Ganda, Vhong Navarro, Ruru Madrid, Bianca Umali, Angelu de Leon, Patricia Javier, Amy Austria at marami pang iba. Sabee.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *