MALAKING KINITA NG MOVIE NI TONI GONZAGA, FAKE NEWS?

MALAKING KINITA NG MOVIE NI TONI GONZAGA, FAKE NEWS?

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

HINDI naibigan ng mahusay na batang direktor na si Fifth Solomon Pagotan ang pagnenega ng ilang netizens na hindi naniniwala sa 5.2 Million na kinita ng kanilang pelikulang My Sassy Girl sa first day nito. Post nga nito sa kanyang FB “Bakit ang bitter sa tagumpay ng iba? Kasi hanggang diyan ka na lang sa buhay. Sa ibaba.” At kahit nga may mga taong nagnenega sa movie ay lalong dumadami ang nanonood nito, kaya naman nadagdagan pa ang cinema na pinaglalabasan nito na more than 200 cinema na nga at lalong lumalaki pa ang kita nito. At sa birthday blockscreening nga ni Direk Fifth kung saan naimbitahan ang inyong lingkod para manood ay dito namin napatunayan na napakaganda ang pelikula, matatawa ka, maiiyak at kapupulutan ng aral, lalo na sa mga taong umibig, nasaktan, nagparaya, nag move on at umibig muli. Kitang-kita namin ang pagtawa, kilig at pagluha ng mga taong nanood sa ilang mga eksena. Bukod pa rito ang swak na swak nilang tandem.

No description available.

MASAYANG-masaya ang grupong Innervoices sa nominasyong nakuha nila sa 14th Star Awards for Music para sa kategoryang Revival Recoding of the Year para sa awiting Paano (Saturno Music Corporation ). Kung saan makakalaban nito sa nasabing kategorya sina Papa Obet ” Ikaw Lang At Ako” (GMA Music), Iñigo Pascual – All Out Of Love – (Tarsier and Star Music), Ang Pag Ibig Kong Ito ni Rachel Alejandro (Star Music), Bakit Nga Ba Mahal Kita, Gigi De Lana (Star Music), Init Sa Magdamag ni Jona (Tarsier and Star Music), ), at Sabi Mo ni Sheryn Regis (Star Music). Very thankful ang Innervoices sa PMPC para ss nominasyong nakuha nita. Ang Innervoices ay kinabibilangan nina Angelo Miguel (Vocals), Rene Tecson (Guitar), Ruben Tecson (Drums), Rey Bergado (Key Board), Alvin Herbon (Bass Guitar), Joseph Cruz (Keyboard Vocals), at Joseph Esparrago( Drums, Percussion, Vocals).

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *