POKWANG, ‘NASARAPAN’ KAY GLAIZA DE CASTRO

POKWANG, ‘NASARAPAN’ KAY GLAIZA DE CASTRO

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.
No description available.

HINDI na matatawaran ang kakayahan ni Pokwang sa larangan ng pagpapatawa at pagdradrama. Katunayan, pinuri ng mga kritiko ang kanyang pagganap sa mga pelikulang “Mercury Is Mine”, ” A Mother’s Story”, “EDSA Woolworth”, ” Sol Searching” at ibpa. Naging best actress din siya sa pelikulang “Oda sa Wala” sa 2018 QCinema International Film Festival. Dahil naman sa kanyang pagkakahawig sa Asian actress na si Lucy Liu na nakilala sa Hollywood movie na “Charlie’s Angels”, bet na bet ng kafaneyan na makita siyang mag-aksyon naman for a change.

“Actually, gusto ko talagang gumawa ng action movies. Even noong time na gumagawa ako ng movies sa Star Cinema with Vhong Navarro, bet na bet ko nang gumawa ng stunts,” lahad niya. Nagpapasalamat naman siya na natupad ang pangarap niya na maging action star sa pelikulang Slay Zone. “Thankful ako na nabigyan ako ng chance na maipakita iyong hindi ko pa nagagawa. Pangarap ko talagang gumanap ng pulis na natupad naman sa movie na ito, iyong makapag-portray ng out-of-the box roles,” aniya. Hindi rin daw siya nahirapan sa pagsabak sa mga maaaksyong eksena. “Dancer naman talaga ako. Pag gumagawa ako ng fight scenes, parang gumagawa ako ng dance steps,” paliwanag niya. “Iyong ibang scenes,ako ang nag-suggest kay Direk Louie na i-choreograph para mapadali ang shoot,” dugtong niya. First time rin makatrabaho ni Pokwang ang magaling at kapuwa premyadong actress na si Glaiza de Castro sa nasabing pelikula na isinulat ni Lawrence Nicodemus.

“Sobrang napabilib din ako sa dedikasyon ni Glaiza sa movie.Actually, nabuo agad iyong bonding namin,” aniya. Nilinaw naman niya na walang sapawan na naganap sa kanila ni Glaiza sa naturang suspense thriller. “Actually, mas nagtulungan kami ni Glaiza. Masarap katrabaho si Glaiza dahil nagbibigayan kami. Pinag-uusapan namin kung paano namin mapagaganda ang mga eksena.So, walang sapawan,” pagtatapos niya. Kasama rin sa pelikula sina Maui Taylor, Rigco Barrera, Abed Green, Richard Armstrong, Tiktok sensation Queenay Mercado, Lou Veloso, Hero Bautista, Raul Morit, at Paolo Rivero.

NAGLULUKSA ang pamunuan at mga empleyado ng Cultural Center of the Philippines dahil sa pagpanaw ng dating board of trustee na si Zenaida “Nedy” Tantoco, na sumakabilang-buhay noong Pebrero 8. Isang top honcho sa luxury retail industry at pilantropo, si Tantoco ay naging bahagi ng CCP Board of Trustees mula 2002 hanggang 2021. Sa kanyang labingsiyam na taon ng panunungkulan, hindi matatawaran ang kanyang naging ambag sa pagsulong ng kultura at sining sa bansa. Ang dating chairman at CEO ng Rustan Commercial Corporation and Stores Specialists, Inc ay naging pasimuno rin sa mga fundraising projects para sa benipisyo ng CCP at mga kaalyadong mga kumpanya nito.

Sa pamamagitan ng kanyang inisyatibo ay nakalikom ng pondo para sa mga bagong instrumento na ginagamit ng PPO musicians. Siya rin ang naging daan para kilalanin ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) sa prestihiyosong Carnegie Hall sa New York. Sa tulong at gabay niya, nakapag-prodyus din ang CCP ng world class opera production tulad ng Gaetano Donizetti’s L’Elisir d’Amore (The Elixir of Love) in 2017, Gaetano Donizetti’s Lucia di Lammermoor in 2020, and Giacomo Puccini’s Turandot in 2022 atbp.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *