MARINA SUMMERS VS. TAYLOR SHEESH, SINO ANG BAGONG REYNA NG MGA KAVOGERA?!

MARINA SUMMERS VS. TAYLOR SHEESH, SINO ANG BAGONG REYNA NG MGA KAVOGERA?!

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.

MAINGAY ngayon sa buong mundo ang mga transgender LGBT drag queens na ito ang pambato ng Pilipinas sa Rupauls Drag Queen na si Marina Summers sa Uk vs.the World at Taylor Sheesh na isang certified impersonator ni Taylor Swift.

Live na nag-promote ng kanyang bagong hit single na I am Filipina itong si Marina Summers sa Its Showtime ngayong miyerkules kung saan ay kinabog ang madlang pipol sa kanyang nakakalokang dance grooves at inimbitahang suportahan siya sa kanyang laban sa drag queen race na sa unang pagkakataon ay nangunguna ito sa kanyang mga katungali sa naturang show.

Tuwang tuwa naman ang mga host ng its showtime na makasama nila sa kanilang programa ang bagong tanghal na drag queen, Kung merong maghahamon sa korona ni Marina Summer ay walang iba kundi ang sumisikat na tiktokers na si Taylor Sheesh.

Aba, nakakaloka ang kanyang kasikatan at sumasabay sa tunay na Taylor Swift kung saan ang concert nito ay dun din ang kanyang trip. lalo Kamakailan lang sa Australia kung saan nga nag-concert si Taylor Swift sa Melbourne at di lang dinumog ng libo libong fans itong impersonator ng Swifties kaya kung may pa concert ang tunay na Taylor Swift di rin pahuhuli itong pambato ng mga pinay transgender na si Taylor Sheesh.

Dahil tumatapat talaga ito at take note, libre lang ang kanyang concert kaya yung walang budget at naubusan ng tiket sa kanya ang bagsak hayan nga sikat na si Taylor Sheesh sa Japan,Australia at kakabugin nya din ang Singapore kung saan ang huling eros tour ni Taylor Swif.

No description available.
No description available.

ALMA CONCEPCION, WALANG KAKUPAS-KUPAS ANG KAGANDAHAN

ISA sa mga byuti kweens na masasabi mong timeless ang kanyang angking kagandahan ay itong dating Bb.Pilipinas Intl.na si Alma Concepcion na kahit pa 1994 pa ito nakoronahan ay masasabi mong di ito salamat po dok kung saan sa panahong ito ay usong uso ang pagpaparetoke ng kanilang katawan kay Doc Calayan o kay madam Vicky Belo.

Kaya kudos kay Alma Concepcion napanatili nito ang kanyang forever kagandahan na walang halong kemikal masasabi mong truelagen lang ang kanyang byuti sapat na para di maging alien sa mga plastikadang byuti queens ngayong millenium.Masayang masaya ito sa ngayon lalo na nitong chinese new year kung saan ay nag-celebrate ito sa Beautederm Headquarters ni Rhea Tan kung saan ay binigyan ito ng mamahaling regalong singsing dahil sa kanyang pagiging isang loyal na endorser sa naturang kompanya na umabot lang naman ng 14yrs

Kahit noong di pa kasikatan ito sa industriya ay naging ambassadress kahit walang tf ay nanatili ang pagiging tapat at loyal na kaibigan nat hindi niya talaga iniwanay ang naturang beauty company na isa na sa pinakamalaking industriya pagdating sa kagandahan.

Kaya bumuhos ang luha ni Alma ng matangap ang kanyang mamahaling alahas at maliban sa pagiging isang beauty queen ay magaling din itong aktres na laging in demand sa mga teleserye na proud naman niya itong ginagampanan lalo pa beterana na ito sa mga karakter roles na puring puri ng kanyang mga naging direktor.

Bukod sa drama, actiom ay gamay niya rin ang role sa mga horror movies at iba oa. Isa sa itinuturing niyang malaking achievement bilang ina ay pagtatapos ng anak na si Cobie Puno na naging cum laude sa kursong BS Business Administration na nagtapos pa sa isang malaking unibersidad sa Fordham University- New York,USA .

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *