kahit pa reyna-reynahan sa GMA7….. MARIAN RIVERA-DANTES, DI NANGHAHARANG NG PROYEKTO NG IBANG KAPUSO ARTIST

kahit pa reyna-reynahan sa GMA7….. MARIAN RIVERA-DANTES, DI NANGHAHARANG NG PROYEKTO NG IBANG KAPUSO ARTIST

May be an image of 1 person, harp and text
No description available.
No description available.

NAPAKAGANDA ng relasyon ni Marian Rivera sa GMA-7 dahil siya ang itinuturing na Reyna doon. Siya ang Primetime Queen, at magmula nang siya ay pasikatin ng Siyete ay hindi talaga lumalaylay ang kanyang popularity. Hanggang sa ibang bansa, kapag binanggit ang pangalan ng wife ni Dingdong Dantes, ay kakambal ang salitang Kapuso Star. Lalo na ngayon na dahil sa tagumpay ng pelikulang Rewind na ginawa niya sa Star Cinema, ay siya na ang bagong Box-Office Queen. Sabihin mang si Marian ang Reyna sa Kapuso Network, ay alam niya ang proyektong laan para sa kanya, at alam niya rin ang proyektong laan ng Siyete para sa kanya. Sa dami ng materyales ng Kapuso Network para gawing mga teleserye at kung sino-sinong mga artista ang plano nilang kuning maging bida, ay klaro naman iyon sa pagpaplano ng Management. Dahil nga pangunahin nilang artista si Marian, lagi namang may nakalaang magandang project sa magandang aktres. Hindi sakim si Marian para harangin ang project na para sa ibang artista, para iyon ay mapunta sa kanya. Marunong siyang makuntento sa mga proyektong meron siya at nakakaya pa niyang gawin. Lalo na sa panahon ngayon na sobrang tutok din ang kanyang panahon sa pamilya, lalo na sa dalawa nilang anak ni Dingdong.

No description available.

VICE MAYOR YUL SERVO, MAS TUTOK SA PAGIGING PUBLIC SERVANT KAYSA SA SHOWBIZ

NASA sistema na talaga ni Manila Vice Mayor Honorable John Marvin “Yul Servo” Nieto ang pagiging public servant, dahil ilang taon na rin naman siya sa larangan nga pulitika, at dahil masaya siya sa taos pusong paglilingkod sa mga Manilenyo ay pansamantala niyang nalilimutan ang lungkot, na sa ngayon ay hindi na siya madyadong makagawa ng pelikula at teleserye. Bago inangkin ng larangan ng pulitika, si Yul ay isa sa pinakaabalang aktor. Marami siyang ginagawang pelikula, dahil narating naman ng kanyang showbiz career ang ilang ulit na magwagi siya bilang Best Actor. Nakagawa naman kasi siya ng magagandang pelikula, lalo pa’t ang talent manager niya noon ay ang yumaong mahusay na movie director na si Direk Maryo J. delos Reyes. Dahil nagtagumpay si Yul sa larangan ng pulitika, ay nasasabik din talaga siyang gumawa ng pelikula o teleserye kung puwede. Nakakabitin nga naman, dahil nang maging public servant na siya, ay bata pa rin naman siya. Pormang artista pa talaga, dahil maalaga siya sa maganda niyang katawan na Kisig-Pinoy. Hindi nalilimutan ng showbiz sa Vice Mayor, dahil bukod sa propesyunal siyang magtrabaho bilang artista ay mapakisama siyang tao. Happy Birthday, Vice Mayor Yul!

No description available.
No description available.

dahil kaya sa panganay? KC CONCEPCION, PABORITONG ANAK NI GABBY CONCEPCION?

SOBRANG maalaga sa kanyang health si Gabby Concepcion, kaya naman hanggang ngayon, kahit nagkakaedad na ang dating matinee idol, ay pasado pa rin siyang maging leading man ng nga mas batang artista ngayon na nakakasama niya sa mga pelikula at teleserye. Nakapareha niya sa teleseryeng “Stolen Life” ng GMA-7 sa Carla Abellana, na halos kasing-edad niya ang daddy nitong si Rey PJ Abellana. Kahit narating ni Gabby ang sobrang kasikatan na minimithi ng ibang artista, ay simple lang siya sa personal. Kapag walang shooting ng mga pelikula o taping ng teleserye, ay gusto lang niyang magkakasama sila ng kanya pamilya, o ‘di kaya ay nasa kanyang rest house. Happy si Gabby na sa dami ng iba’t-ibang pangyayari sa kanyang buhay ay patuloy na maganda ang samahan nila ng panganay niyang anak na si KC Concepcion, anak nila ni Sharon Cuneta. Bilang daddy ni KC, lagi niyang sinisigurado na madalas ay nakukumusta niya o natatawagan sa cellphone ang magandang aktres. Gusto niyang nagkukuwento ang dalaga ng mga ginagawa sa maghapon at iba pang mga kaganapan. Kinakabahan si Gabby kapag tahimik ang panganay niyang anak o hindi nagpaparamdam. Kapag daw gano’n ay iniisip niyang baka may problema si KC.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *