COCO MARTIN, TULUY-TULOY LANG SA SERYENG HANGO SA MOVIES NYUMAONG DA KING FERNANDO POE JR

COCO MARTIN, TULUY-TULOY LANG SA SERYENG HANGO SA MOVIES NYUMAONG DA KING FERNANDO POE JR

May be an image of 1 person, harp and text
No description available.
No description available.

NGAYON pa lang, habang patuloy na kapana-panabik ang mga eksena sa teleseryeng “Batang Quiapo” ng Kapamilya Network ay hinuhulaan na ng mga masugid na manonood, kung alin ang susunod na klasikong pelikula ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. ang susunod na gagawing teleserye ni Coco Martin. Hinuhulaan na puwedeng “Totoy Bato”. Istilo ng mga pelikula ni FPJ ang napakaraming karakter, at ganu’n na rin ang istilo ng mga teleserye ni Coco.

Sa ganitong istilo, ay marami noong mga artista ang nabibigyan ni Da King ng trabaho, na ipinagpapasalamat ng maraming artista sa yumaong Action King hanggang ngayon. Nauulit lang sa pamamaraan ngayon ni Coco ang pagtulong ni FPJ sa mga artistang isinasama niya sa kanyang mga teleserye. Isa sa mga lumang pelikula ni Da King na puwedeng gawin ng Primetime King ng ABS-CBN ay ang “Tatak Ng Alipin” na napakalawak ng kuwento, hango noon sa isang Nobela sa Komiks, at sa daloy ng kuwento ay napakaraming karakter ang naging bahagi nito. Kung ito ang gagawin ni Coco ay magpapatuloy ang layunin niya na mabigyan ng trabaho ang maraming kapwa artista.

No description available.
No description available.

CHERRY PIE PICACHE AT JACLYN JOSE, MAGKAPATID NA ANG TURINGAN

MALUNGKOT at sobrang masakit para kay Cherry Pie Picache ang biglaang pagpanaw ni Jaclyn Jose. Dahil para sa kanya, ang mommy ni Andi Eigenmann ay hindi lang kapwa artista, kundi sobrang malalim at matagal ang kanilang pagtuturingan na parang magkapatid talaga. Sina Cherry Pie at Jaclyn ay parehong mga alagang artista ng talent manager na si Ed Instrella, bago si Jaclyn napunta sa PPL Talent Management ni Perry Lansigan. Ang samahan nina Cherry Pie at Jaclyn sa pagma-manage ni Instrella ay dikit na parang magkakapatid na isang pamilya, kasama sina Susan Africa, Allan Paule, Simon Ibarra at dati rin nilang kasamahan si Gardo Versoza at iba pang artista na mga propesyunal pagdating sa mga trabaho bilang mga artista. Tuloy lang ang buhay para kay Cherry Pie sa kasalukuyang kalungkutan dulot ng pagpanaw ni Jaclyn. Si Pie ang isa sa pinakamahusay at masipag na artista sa pelikula at teleserye. Hindi siya nababakante. Hindi pa siya natatapos sa isang teleserye ay laging nakaabang na agad ang mga susunod pa niyang gagawing proyekto.

No description available.

MARISOL ACADEMY

ANG bilis ng panahon, at ratsadang sumapit na ang first anniversary celebration ng Marisol Academy, ang talkshow na ang nakaposteng mga tsikadora ay ang mga Kapamilya sa Philippine Movie Press Club na sina Roldan Castro, Rodel Fernando, Rommel Placente at Mildred Bacud. Nag-iimbita sila na panoorin ang patuloy na bonggang celebration na hitik sa mga balitang showbiz. Abangan sila sa Abante You Tube Channel, Abante Teletabloid Facebook Page, Abante News Tiktok at Converge Cable

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *