JENNYLYN MERCADO, PINASALAMATAN ANG GMA NETWORK

NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat ang magandang aktres na si Jennylyn Mercado sa kanyang GMA family sa pagpapahintulot sa kanya para tapusin ang “Love, Die. Repeat” sa susunod na taon sa kabila ng kanyang pag-amin na siya ay nagdadalantao.

Sa kanyang Facebook account ay nagbahagi si Jennylyn ng isang throwback photo niya noong siya ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.

“Maraming salamat sa aking GMA family for understanding my condition and allowing me to still finish “Love, Die, Repeat” next year once I am ready to work again,” ayon sa kanyang post.

“Sobrang thankful ako at tuloy pa rin ang show,” wika pa ng aktres. “I love my GMA family, from the moment I started as an actress nafeel ko na hindi lang ako artista sa network, kungdi parte ng pamilya nila.”

Ayon pa sa aktres, labis ang pasasalamat niya sa kanyang home network dahil kabahagi na ito ng iba’t ibang kabanata ng kanyang buhay at laging nariyan sa panahong kailangan niya.

“Madami akong pinagdaanan at kung wala ang GMA hindi ko alam kung malalagpasan ko eto,” wika pa niya, “I am blessed to be a Kapuso.”

Nitong nakaraang Biyernes, kasabay sa kanilang 7th anniversary ay inihayag ng dalawa na sila ay engaged na at nakatakdang magkaroon ng baby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *