BABAENG BUGAW SA ONLINE SEX SERVICE ARESTADO

NAHAHARAP ngayon sa kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang isang babae na itinuturong bugaw ng mga kabataang babae na ibinibenta sa online sa mga lalaking naghahanap ng sex service.

Mga kasong paglabag sa RA 9208 o “Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022” at R.A. 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” ang inihain ng NBI laban sa suspek na kinilalang si Jenalyn Joy Hierco.

Nasakote si Hierco sa ikinasang entrapment operation ng NBI-Anti Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) kamakailan sa isang restoran sa may Shaw Blvd., Pasig City.Nag-ugat ang operasyon mula sa impormasyon na natanggap ng NBI ukol sa isang alyas Myka na nagre-recruit ng mga kabataang babae na kaniyang inaalok sa mga parokyano sa pamamagitan ng online channels.

Isang operatiba ang nakipagtransaksyon sa suspek sa pamamagitan ng Facebok at nagkasundo na magkikita sa isang restoran.Matapos na tanggapin ang marked money na bayad para sa isang babae, dinakma na ng mga nakaantabay na operatiba si Hierco.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakasagip sa anim na menor-de-edad na babae na isinuko ng NBI sa Social Welfare Office ng Pasig City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *