COMELEC HANDANG-HANDA NA SA BARANGAY AT SK ELECTION SA DISYEMBRE 5

NAGPAHAYAG ang Commission on Elections (Comelec) na nasa 80 porsyento na ang preparasyon ng para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 5 sa kabila ng mga pagtutol ng mga mambabatas at planong suspensyon nito.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nakatakda na nilang ilabas ang panuntunan at mga resolusyon para sa eleksyon habang uumpisahan na rin ang pag-iimprenta ng mga balota.

Kung sakali naman na magdedesisyon ang mga mambabatas na isuspinde ito, maaari pa rin umanong magamit ang mga kasangkapan at ang mga na-award na kontrata para sa delivery nito sa itatakdang bagong petsa.

“Hindi naman masasayang ‘yan, mula sa ballpen, sa ballot boxes, at sa indelible ink, ibang kagamitan. Kahit makapag-print tayo ng balota ay walang effect ‘yan. Ang balotang na-print natin ay puwedeng gamitin sa susunod na eleksyon sakaling ma-reset… ang elections,” paliwanag ni Garcia.

Ngunit kung masususpinde ang eleksyon sa Disyembre 2023, unang sinabi ng Comelec na kakailanganin ng P18.4 bilyon para maisagawa ito.

Umaabot lamang sa P8.5 bilyon ang nakalaang pondo para sa December 2023 BSKE at kakailanganin ng dagdag na higit P10 bilyon kung masususpinde ito kaya hindi rin umano makakatipid ang pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *