CREAMLINE WAGI SA PLDT

CREAMLINE WAGI SA PLDT

SINIMULAN ng Creamline Cool Smashers ang kanilang mainit na kampanya patungo sa asam na grand slam matapos pitasin ang kanilang unang panalo kontra sa PLDT High Speed Hitters sa unang laro ngayong hapon, 25-22, 25-18, 26-28, 25-22  sa Reinforced Conference ng  Premier Volleyball League   sa Philsports Arena, Pasig City.

Kapit ang 21-20 sa dulong bahagi ng first set ay tinapos ng Cool Smashers ang yugto sa 25-22 matapos pasiklabin ni Ced Domingo ang isang 4-2 run para sa kanyang koponan habang kinumpleto naman ni Alyssa Valdez ang makapigil hiningang 7-3 rally sa second set para makaalagwa patungo sa 25-18 panalo.  

Nakabawi ang PLDT sa mainit na palitan ng hataw sa third set, 28-26 bago tuluyang yumukod ang High Speed Hitters sa fourth set 25-22.

Nakapagtala si Valdez ng 17 points sa 15 attacks at 2 blocks habang nakapag-ambag si Domingo ng 17 points mula sa 11 attacks, 3 aces at 3 blocks habang si Jia De Guzman ay may nailistang 32 excellent sets.

Ang Turkish import ng Creamline na si Yeliz Basa ay nagtala rin ng 17 puntos (17 attacks) at si Elena Samoilenko ng PLDT ay nakapag-ukit ng 24 points sa 22 sa attacks at 2 blocks. 

Dahil sa panalong ito ng Creamline ay makakahanay nila sa unahan ng standings na may 1-0 records ang Cherry Tiggo, Cignal at Petro Gazz habang nahulog naman sa 1-1 win-loss card ang PLDT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *