KASAL NI LOVI POE, LATE THIS YEAR OR EARLY NEXT YEAR

KASAL NI LOVI POE, LATE THIS YEAR OR EARLY NEXT YEAR

May be an image of 1 person and text that says 'Rated R by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com'
No description available.
No description available.

ILANG linggong mawawala si Lovi Poe sa ‘FPJ”s Batang Quiapo’. Nagpaalam na ang aktres at late this year or early next year ang kasal nito sa kanyang fiance na si Monty Blencowe. Wala pang detalyeng ibinibigay si Lovi kaugnay ng kasal niya. Maaaring sa London or in any other countries ito maganap. Nakapag-advance taping na ang aktres dahil matagal-tagal din syang mawawala sa top -rating teleserye . Tiyak na mami-miss sya ni Coco Martin at ng buong cast Timing naman ang pagbabakasyon ni Lovi dahil nakapokus ngayon ang istorya kina David (Mc Coy De Leon), Ramon ( Christopher de Leon) at Tanggol (Coco). May balitang sa pag-alis ni Lovi may bagong karakter daw na papasok sa show. Isang sikat na aktres daw ito na matagal na raw nakikiusap kay Coco na mapasama sa serye. Sino kaya sya? Abangan!

No description available.
No description available.

LORNA TOLENTINO AT DEBORAH SUN, NAGKAAYOS NA

AFTER so many years ay nagkita, nagyakapan at nagkapatawaran sina Lorna Tolentino at Deborah Sun. Nangyari iyon sa set ng seeyeng kinabibilangan ni Lorna, kung saan ang veteran actress-beauty queen na si Azenith Briones ang gumawa nun. “Actually, may tinawagan ako at Kako baka pwdeng pumasyal sa set, sa Quiapo ang taping nila kaya dun ako pupunta. Kasama ko si Gigi ( tawag kay Deborah) that time . Nung papunta na kami, saka ko na lang naisip na nandun si Lorna so magkikita sila ni Gigi. Eh alam ko matagal na silang may issue at hindi pa sila nagkikita at nagkakausap nang mahabang panahon. So sabi ko baka ito na yung time. Baka ito na. Sabi ko. Pagdating namin sa set, hinanap ko si Coco Martin, busy kasi sya ang direktor. Actually, siya ang kakausapin namin at baka mabigyan ng trabaho si Gigi at pati ako rin. Nakita ni Gigi si Lorna sa loob ng sasakyan at nagpapahinga ito. Lumapit si Gigi at nag-Hi kay Lorna. Ayun na! Nagbatian sila. Kumustahin. Yakapan. At nag-usap sila. Umiiyak si Gigi. . Malaki ang kasalanan niya kay Lorna eh. But that’s water under the bridge now. Ang importante, nagkausap na sila at nagkapatawaran. Nagpalitan pa sila ng cellfone number at FB. Inaaccept agad ni Lorna si Gigi. Ang saya saya!”, mahabang kuwento ni Azenith.

Wala raw pagsidlan ng kaligayahan si Deborah na nangyari. Tila nabunutan ito ng tinik .Masayang masaya daw ito. “At least gumaan ang pakiramdam niya at okey na sila ni Lorna. Sobrang bait naman na tao ni Lorna. Kilala ko sya noon pa na napakabait na tao. ” sey pa ni Azenith.

Ang wish ngayon ni Azenith ay mapasama si Deborah sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ para may trabaho at pinagkakaabalahan ito. Yun lang daw ang wish. Nito sa kaibigan at maging mabait sa kapwa at maging professional sa

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *