BEA ALONZO, B-LISTER AKTRES NA BA?

BEA ALONZO, B-LISTER AKTRES NA BA?

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

NAKAKALOKA ang bagong teleserye nina Bea Alonzo at Dennis Trillo na Love before Sunrise ayon sa latest ratings nito ay lagpak kung ikukumpara mo sa The Iron Heart ni Richard Guttierez at ang bagong serye nina Donnie Pangilinan/Belle Mariano. Isang beses nga lang daw nakaungos ang kay Tyang Bea nung patapos na ang The Iron heart kaya nga baka ito na ang susunod sa Maging Sino Ka Man na malapit na din magtatapos, kaya ang tanong ng madlang pipol di na ba umepek ang pagiging blockbuster epek ni Bea Alonzo at patungo na ito sa pagiging B-lister na aktres?

Mukhang wala yatang chemistry ang tambalan nila ni Dennis Trillo, di sila compatible bilang partner. Madaming kulang sa kanilang aktingan hindi katulad noong sila pa ni John Llyod Cruz na tumabo sa takilya ang kanilang tambalan. Kaya pala gustong gusto na lisanin ni Bea Alonzo ang Pilipinas at nag-invest na ito ng bahay sa Spain para nga naman kung dun na siya titira ay magiging citizen matatakasan na niya ang pagkawala ng kanyang ningning dito sa Pilipinas.

No description available.

NICOLE BORROMEO MS.INTERNATIONAL 2023, 3RD RUNNER-UP; NIKKI DE MOURA MISS GRAND INTERNATIONAL PHILIPPINES 2023, LUHAAN

MASAYANG masaya ngayon ang lahat ng mga kabekihan sa parlor ng tanghaling 3rd runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Nicole Borromeo sa katatapos lang na Ms.International 2023 sa Japan. Panalong panalo ang Cebuana beauty queen lalo na sa mga Hapon. Aba kaloka nga sa buong kontinente ng Asya Pilipinas lang yata nakapasok sa top 5 kung saan nanalo na naman ulit ang Powerhouse Venezuela at pang siyam na titulo na ito sa kanilang bansa. Madami naman ang nadismaya ng ma-lotlot ang pambato natin sa Miss Grand International 2023 na si Nikki De Moura, sa Vietnam nung isang araw kaya bawing-bawi na tayo sa pagka-placement ni Nicole Borromeo sa ngayon palang naghahanda na ang city government ng Cebu sa pa-welcome ng bagong runner-up.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *