sa pagkaka-detained sa Camp Karingal….. SHOWBIZ KARIR NI RICARDO CEPEDA, APEKTADO NA NG HUSTO

sa pagkaka-detained sa Camp Karingal….. SHOWBIZ KARIR NI RICARDO CEPEDA, APEKTADO NA NG HUSTO

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

MAHABA ang intérbyu ni Julius Babao sa kanyang vlog sa naka-detineng actor na si Ricardo Cepeda at isa sa mga cast ng seryeng Batang Quiapo. Ayon kay Cepeda, 2 linggo na siyang detained sa Camp Karingal hinggil sa kasong syndicated estafa. Noong una, Akala daw niya’y pina-prank siya ng pulis na nakasama niya sa training camp sa pagka-sundalo. Ito umano ang gusto ng ama na siya’y maging PMA graduate balang araw.

“Akala ko skit, prank, pang-promote lang. May mga lumapit na pulis sa akin. Akala ko si King (Gutierrez,Kasama niya sa seryeng Batang Quiapo), Kasi naka-plain clothes.” As protocol, binasahan muna siya ng rights Bago arestuhin. Papunta sana noon si Cepeda sa Isang raket, ang ribbon-cutting. “It took me a while bago ko na-realize na totoo na pala na arestuhin na ko.. “Kasi they kept on addressing me as Mr. Ricardo Cepeda,so Sabi ko parang nagkakamali siya sa lines niya. Sabi ko pa, Mr.Wu (role ni Ricardo sa BQ) ang pangalan ko. Tapos ang sabi niya pulis talaga ako .” Alam ni Cepeda na isang araw ay didinggin ng korte ang kasong isinampa sa kanya. “Kasi alam ko, inosente ako.” Sa mga inihaing complaints sa kanya, wala ang pangalan niya bilang trabahador ng kompanya. Maging ang mga tsekeng talbog na ibinayad sa kompanya ay nagkakahala ng milyones kaya siya daw ang ginawang pangalang nagsarang investment company tatlong tàon na ang nakakaraan.

“Sobrang perhuwisyo sa akin, may dalawa pa kong films na gagawin. Yong Isang film, nalaman ng producer na inaresto ako kaya pinalitan na ako. May ibang ribbon cuttings pa nga na gagawin ko sana “With Batang Quiapo, napanood ko kagabi(0ctoer 26)yong last na tineyp ko. Hindi alam kung paano gagawin yong eksena after that,” kuwento pa ng beteranong actor . “Parang normal lang ang buhay ko dito.” Aniya na parang opisina ng Kapulisan ang detention cell na kanilang kinaroroonan. Pag gabi, sama-sama sila ng iba pang 50 na detainees. Sa umaga’y pinapayagan silang makapag-jogging at exercise sa nasasakupan ng kulungan Sa suporta ng asawang si Marina Benipayo (dating beauty queen at ngayo’y nag-aartista na rin siya) humuhugot ng lakas at pag-asa. “My son and my wife, three times in a week nila akong dinadalaw. Nagdadala ng pagkain like yong peborit ko, sinigang,” sabay pakita ng mga foods at lutuan sa kanilang selda.

Sila daw ang kanyang mga inspirasyon. Sa darating nraw ng Kapaskuhan, naitanong ni Julius sa kanya kung ano ang wish niya sa Pasko? ” Freedom lang”. Isang lesson na natutunan niya sa buhay. “Pag may nag-alok pa ng endorsement sisiguraduhin ko na bago ko pirmahan, dapat ang nakalagay,”For Endorsement Lang”!. At sabay silang nagtawanan ni Julius.

No description available.

Huling episode na ng It’s Your Lucky Day nitong Friday, October 27, na pansamantalang ipinalit sa suspendidong programang It’s Showtime matapos patawan ng MTRCB ng 12-day suspension Tumatak sa madlang viewers ang litanya ng It’s Your Lucky Day host Luis Manzano sa una nilang pag-ere ang binitawan niyang salita, “Ngayon e, gagawa tayo ng history. Alam niyo ba ang mga kabataan, pagkatapos ng Ilang tàon, pag-uusapan tayo. Nasa libro tayo ng Hekasi.” Paliwanag ni Luis, “First time sa lahat ng shows ng ABS CBN at kahit sa buong industriya, hindi pa tayo natatapos sa unang episode, maa-announce natin ang “huling dalawang linggo.”

Ngayong,October 28, ang pagbabalik ng It’s Showtime sa parehong slot at mga hosts. Siyempre pa, mga pasabog ang ihahandog nila Vice Ganda,Vhong Navarro at Anne Curtis with other co-host na kagagaling lamang sa engrandeng bakasyon sa Hongkong at Thailand para ipagpag ang stress at makapag-bonding aming It’s Showtime family. Bukas din ang anunsiyo kung iri-retain ba ng network ang nasabing variety game show lalo na’t minahal ng madlang pipol ang segment na Pot Luck at Pang-Ma-Luck -Cashan. Kung gagawin nang pre-proramming ito ng TV Patrol? Abangan ngayon, Saturday, October 28.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *