KIM CHIU, BASANG-BASA NA ANG GALAWAN NI PAULO AVELINO

KIM CHIU, BASANG-BASA NA ANG GALAWAN NI PAULO AVELINO

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

SA panayam ni MJ Felipe, naibahagi ni Kim Chiu ang karanasan niya sa pakikipagtrabaho kay Paulo Avelino. Ayon sa chinita actress, ito raw kasi ang ikalawang pagkakataon niya na makatrabaho ang aktor after their highly successful series na Linlang.  Aniya, malaking challenge raw para sa kanya ang maka-work ang magaling na aktor sa dalawang magkasunod na proyekto na maituturing niyang parehong extreme. Sa Linlang daw nakita niya ang serious side ni Paulo samantalang sa Pinoy adaptation ng K drama na What’s Wrong with Secretary Kim ay na-reveal ang pagkakuwela nito.  Kumbaga, basang-basa na raw niya ang bagong ka-loveteam. Iba’t-iba rin daw ito sa mga nakatrabaho niya dahil sa maikling panahon ay nagkapalagayan na agad sila ng loob.  “Siguro kasi magkasunod yong project namin, both are extremes, extreme heavy, extreme light – so parang magkaiba. Parang makikilala mo talaga yong tao pag nakasama mo siya sa isang project. So nakita ko ‘yong Paulo na masayahin, Paulo na galit, Paulo na sobrang dedicated at seryoso at Paulo na corny at funny. Ang dami niyang pinakitang types of Paulo. Iba siya,” aniya. Hirit naman ng kibitzers, iba raw ang spark ni Kim kapag ang pinag-uusapan  si Paulo. Sa mga ikinikilos din daw nito ay palong-palo siya sa ugali ng aktor.

No description available.

ANA JALANDONI GINAWANG MANYAKIS

BALITANG balita ang pagsali ng iba’t ibang mga pelikula ni Direk Njel de Mesa sa mga iba’t ibang International Film Festivals sa buong mundo, ngunit hindi pa rin siya matinag sa paggawa ng mga bagong pelikula. Isa na rito ang pelikulang Otoko Oona na isang sexy comedy film na nag-shooting sa Japan. Co-producer sa proyektong ito si Ana Jalandoni mismo,na nakilala na rin sa pagiging mahusay na negosyante. Talagang timing din dahil Sakura or Cherry Blossom season sa Japan nung kasagsagan ng kanilang shoot. “Manyak na lalaki dito si Ana na nagkatawang babae. Naisip ko na pagkakataon ni Ana ipakita ang kanyang mahusay na comedy acting skills. Dahil sa kamanyakan at pagiging babaero, kinarma ang character ni Ana (na si Lazlo), kung kaya’t siya ay sinumpa na magkatawang babae. Kailangan may tunay na magmahal sa kanya at mahalin rin niya ng tunay para mawala ang sumpa,” say ni direk. Inaasahan ng mga manunuod na sadyang nakakatawa ito dahil ibang Ana Jalandoni ang makikita sa pelikula—na madalas lamang ay nakikitang gumaganap sa iba’t ibang sexy roles.

“ Sobrang happy ako sa resulta ng proyekto namin ni Direk. Ambilis niya kasi kumilos at gumawa ng pelikula. At nung nagshushooting kami para kaming naka-bakasyon lang dahil ang chill lang ng shoot—may time pa kaming mamasyal,” sabi ni Ana. Sadyang napakalaking pelikula ang Otoko Oona (Nihonggo na salita para sa Lalake at Babae), hindi lang dahil nagshooting sila sa Japan kundi dahil malaki rin ang cast na itinatampok: sina Kazuo Nawa (Gimik), Princess Lerio, Art Orbista, at marami pang iba! May special participation rin ang Muse of Philippine Cinema na si Arci Muñoz. Asahan daw natin na mapapanuod rin ang trailer ng movie sa darating na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan ngayong May 25-26 2024.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *