Aktres, nasasakal sa mister
Troot na, malaki ang ipinagbago ng buhay ng aktres na ito mula nang piliin niyang lumagay sa tahimik. Naging very private na rin kasi si aktres pagdating sa kanyang personal na buhay. Actually, marami ang naiinggit sa aktres na ito dahil nakapangasawa siya ng isang lalakeng belong sa buena familia.
Pero, hindi raw pala laging glorya ang kakambal ng tinatamasan niyang karangyaan sa poder ni mister. Hindi raw kasi happy si aktres dahil feeling niya ay nasasakal siya sa piling ng partner. Kumpara noong dalaga pa siya ay limitado na rin daw ang kanyang galawan.
Sobra raw kasing seloso si mister at bet na ikulong lang siya sa balay. De numero rin daw ang galaw nito at kung lalabas man siya ay kailangang samahan ng bodyguards. Dagdag pa riyan, may tsikang hindi rin daw boto sa kanya ang kanyang morher-in-law.
Katunayan, si mudra raw ang nag-push na magkaroon ng pre-nuptial agreement ang dalawa. Sinech ang aktres na ito na nakulong sa pugad ng kanyang mister?