
HINDI pinagtataasan ng kilay sa showbiz ang pagiging friendly ng sikat na aktres. Mula nang sumikat siya, kung sino ang mga kaibigan niya noon ay mga kaibigan pa rin niya hanggang ngayon. Kapwa artista ganu’n din ang mga taga-media.
Napakaganda ng sikat na akttes, lalo na nung bagets pa lang siya. Kaya ligawin siya ng mga kalalakihan. Pero noon pa may duda sa showbiz na lesbiyana siya. Kaya lang, nagpakasal siya sa isang guwapong aktor, nagkahiwalay at nagkaanak.
Nitong huli, nag-iba na ang ihip ng hangin. Mayroon nang inililihim na relasyon si magandang aktres. Iba na ang trip niya sa kaligayahan. Kapwa babae na ang type niyang kaulayaw. Dinadaan sa bulungan, pero hayag na sa showbiz na karelasyon niya ang isang magandang lesbiyanang aktres-aktresan na hindi sumikat.
Hindi na ngayon pumapatol ang aktres sa mga lalake. Pagpapanggap na lang na may mga aktor pang lumiligaw sa kanya. Pero ang totoo ay wala na. Dahil buking na ng mga aktor na kapwa babae na ang kaligayah ni aktres. Walang magtangkang i-broadcast na lesbiyana ang karelasyon ngayon ni aktres. Bilang respeto sa kanya, dahil napaka-friendly niyang talaga.
clue: Ang aktres ay huling na-link sa isang kapwa artista na lalaki pero mukhang di naman totoo.