


May bagong post si Andrea Brillantes sa kanyang Instagram stories.
Aniya, “Definitely my definition of ‘sobrang latina’ look.”
Isang nakakabighaning latina look ang flinlex ng aktres na sadya namang napakaganda.
Ang komento nga ng netizens: “Super ganda talaga ni Andrea kahit anong gawin sa mukha at ayos ng buhok lumalabas pa rin ang ganda grabe.”
“Kahit anong gawin sa mukha literal na face card never decline.”
“Super latina.”
“Kylie Jenner ng Pilipinas.”
Napamura naman ang isang netizen sa ganda ni Blythe, “Tanggghhhinang face card yan.”
* * * * * * *
DENNIS TRILLO, NAKALIMUTAN ANG SINGSING SA KASAL NILA NI JENNYLYN MERCADO
May nakatutuwa palang experience si Jennylyn Mercado nung kinakasal na sila ni Dennis Trillo.
Naikwento ng aktres sa programang ‘Fast Talk with Boy Abunda’, kung saan guest silang mag-asawa kamakailan.
Ani ng Kapuso aktres, “Noong time na ‘yung wedding namin, naiwan niya ‘yung singsing. So, buwisit na buwisit ako. Siyempre, ‘yung hormones ng pregnant woman, talagang galit ako,” natatawang sabi ni Jen.
“Pero ‘yung bahay po namin malapit lang, mga five minutes away. Nakalimutan ko pa rin,” saad naman ni Dennis.
Esplika naman ni Jen, “Sinabihan ko siya, sobrang specific ng instruction ko, Kunin mo ‘yung ring, nandun sa bag ko, eto ‘yung color ng box.”
May palusot naman ang actor, “Dalawa po ‘yung box, ‘yung isa walang laman. ‘Yun ‘yung nakuha ko, ‘yun ‘yung nadampot ko.”
“Ang sabi ko sa kaniya, paano kung sa Tagaytay tayo kinasal? Paano mo kukunin sa Quezon City?’”
May pagdududa pa nga raw na pumasok sa isip niya, “Dahil ba buntis ako kaya papakasalan?”
Agad namang pinakalma ni Dennis ang kanyang misis, “Pero ang totoo Tito Boy, may singsing man o wala, kaya pa rin… Kahit na alambre lang ‘yan na mapulot mo kung saan, simbolo lang ‘yan ng pagmamahal na ibibigay ko sa kaniya.”
Na-amuse naman ang King of Talk sa wedding story ng celebrity couple.
“Dennis, nakalimutan mo pa rin,” biro ni Kuya Boy. Pag-amin pa ni Jennylyn hindi maalis sa kanya ang inis habang sila ay naglalalakad na sa aisle.
“At least unforgettable ‘yung experience. Hindi ‘yung pangkaraniwan na perfect,” say naman ni Dennis.
The real moment of truth came when the priest asked for the rings. “Nandoon na kami. Hinihingi na ni Father ‘yung singsing. Nasaan ‘yung ring? Tapos binigay ‘yung box, walang laman,” alaala ni Jennylyn.
Namumutlang kumpisal na naiwan niya ang singsing.
Agad naman daw na bumalik ang kanilang driver para kuhanin ang singsing na naiwan sa bahay.
Despite sa nangyari sa kanilang kasal, natatawa na lang ang mag-asawa at tinatawanan ang nangyari.
Ikinasal ang couple nung 2021 and welcomed Baby Dylan May 2022.
* * * * * * *
CASSY LEGASPI, LUMABAS ANG TUNAY NA GANDA NANG PUMAYAT
Ang laki ng pinagbago ng katawan ni Cassy Legaspi.
Pumayat na siya at sumeksi.
Ang sikreto umano ng anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ay ang pagbabago niya ng lifestyle.
Successful ang kanyang health and fitness journey matapos mabawasan ng timbang.
Ibinulgar ng Kapuso aktres ang resulta ng ginagawa niyang pagpapapayat ngayon.
Sa mga larawang binabahagi ng aktres sa kanyang social media account kapansin-pansin ang laki ng pinagbago ng kanyang pangangatawan.
Blooming nga ang unica hija ng mag-asawang Zoren at Carmina kung saan napakalakas na ng confidence niya sa kanyang sarili.
Conceited nga niyang pinangangalandakan, “I lost 30 pounds. Grabe ‘yung 30 pounds na iyan.”
Sey ng Kapuso star, kinailangan daw talaga niyang magbawas ng timbang dahil sa pagkakaroon ng hypothyroidism na nakaapekto sa kanyang overall health.
Kinakarir na raw niya ngayon ang pag-aalaga sa kanyang kalusugan at pag disiplina pagdating sa eating habits.
Sa pagpayat ni Cassy ay lalong lumabas ang angkin niyang ganda.
