


MARKADO talaga ang tunay na Aga Muhlach sa paningin ng masa. Kamakailam ay may fake news at kumalat na larawan sa social media ng isang lalaking dinakip ng mga otoridad at naka-posas, pinalalabas ng pekeng balita na iyon ay ang husband ni Charlene Gonzales.
Nasa larawan ang lalaking iyon na may hitsura kahit medyo malusog na rin ang pangangatawan, kaya aakalain mo ngang siya si Aga, na nagsasabing iyon ang pinakamalungkot na pangyayari sa buhay niya, ang madakip ng mga alagad ng batas.
Ipinagtatangol ng mga netizens ang daddy nina Andres at Atasha Muhlach. Sabi nila: “HINDI SI AGA MUHLACH ‘YAN! HINDI MANGYAYARI ‘YAN, NAPAKABAIT NIYANG TAO!”
Totoo naman. Dahil sa kasaysayan ng itinagal ng kasikatan ni Aga sa showbiz, ay hindi siya nasangkot sa anumang gulo para ikababa ng kanyang pagkatao. Iningatan talaga niya ang kanyang image bilang artista.
Kuntento si Aga sa narating niyang kasikatan. Sa edad niya ngayon ay hindi siya apektado sa mga panahong mataba siya at kinukumbinsing magpapayat dahil guwapo pa rin siya. Sa ngayon, ang nagpapasaya sa kanya ay mayroon siyang isang buong pamilya


KATRINA HALILI, MAS PINATIBAY SA MGA PAGSUBOK NANG MAGING MOMMY
MULI na namang pinatunayan ng GMA-7 ang kanilang pag-unawa at pagmamahal kay Katrina Halili, dahil mayroon na naman siyang bagong teleserye, ang “Mommy Dearest” na labis niyang ipinagpapasalamat, hindi lang dahil iyon ay trabaho.
Ipinagpapasalamat ni Katrina, na magmula nang mapunta siya sa Kapuso Network ay ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng Siyete.
Sa mga panahon na mayroon siyang mga pinagdaraan problema, lalo pa’t madalas din si Katrina sa kanilang province sa El Nido, Palawan ay hinihintay ng Kapuso Network ang kanyang availability kapag mayroong magandang role para sa kanya sa teleserye.
Magaling magdala ng mga problema si Kathrina, dahil hanggang ngayon ay ang ganda-ganda pa rin ng kanyang mukha.
Puno ng hamon ang pagiging mommy ni Katrina. Nung three years old pa lang ang anak niyang si Katie ay na-diagnose ang bata na may mild autism. Mapagmahal na mommy ang Kapuso actress, tinutukan niyang ng panahon ang kundisyon ng kanyang anak, ipinagamot at umokey ang bagets na napakalaki ng improvement.
Si Katie ay dalagita na ngayon at magaling kumanta, pagmamalaki ni Katrina. Bagay na hindi nakapagtataka. Si Kris Lawrence na mahusay na singer ang daddy ni Katie.
