
KINUMPIRMA ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na natanggap na umano ng Pasig City Jail warden ang commitment order para sa paglilipat ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Correctional Institution For Women sa Mandaluyong City.
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera, kasalukuyang inihahanda na ang medical at laboratory examination para kay Guo na standard requirement bago mailipat sa ibang detention facility at pagkatapos na mapagkalooban siya ng medical clearance ay inaasahang maililipat si Guo sa nabanggit na piitan sa Mandaluyong City sa loob ng linggong ito.
Bago rito ay una nang binasura ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 ang motion na isinampa ng kampo ni Guo na naglalayon na manatili siya sa Pasig City Jail Female Dormitory sa halip na ilipat sa Correctional Institution For Women sa Mandaluyong City.
Si Guo ay convicted sa kasong qualified human trafficking na isang non-bailable offense na may kaukulang pataw na mabigat na parusa sa ilalim ng ating batas.
