
SA Pilipinas, sa ating sariling opinyon naman lamang…onliindapilipins na may mga taong iginagawa ng rebulto at gagawing santo(daw) ang mga adik? Runner ng mga pusher?
Kung napatay man yan at pinatay ng hoodlum o pulis…yun ang dapat usigin at kung sino man ang nag-utos sa kanila.
Kung umabuso ang pulis sa pagtupad sa kanyang tungkulin sa oras na may hinuhuli silang mga pusher o sinomang police character, sila ang may problema dun.
Kung nag-utos man ang kanilang hepe, ang kanilang commander-in-chief na hulihin at lipulin ang mga nangangalakal ng droga at sagipin ang mga gumagamit ng droga, hindi na rin nila kasalanan kung lumalaban at napatay nila ang mga nanlaban na suspek.
Kung sa loob ng bahay pinatay ang suspek sa harap ng kanilang mga anak at asawa ay talagang hindi iyon makatao at talagang dapat ay managot ang sinuman na gumagawa ng ganoong kahayupan lalo at kung ang mga naging biktima ay walang kalaban-laban o hindi naman nanlaban.
Pero kung ang pagkamatay ng suspek ay kahina-hinala at mayroong testigo ay may mga korte tayo na dapat humatol kung ano ang totoo at kung ano ang nararapat na kaparusahan sa mga pulis o mga awtoridad na umabuso sa kanilang mga kapangyarihan.
Bakit wala bang mga pulis na hinuhuli, ikinukulong at nahahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo kapag napatunayan ng hukuman na nagkasala?
Hindi ba’t maayos namang gumugulong ang hustisya at nagkakaroon naman ng maayos na hatol sa mga suspek na kriminal kapag malinaw at matibay ang ebidensya laban sa kanila?
Ang ginagawa ngayong pag-usig kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands ay isang malinaw na ehemplo ng isang baliw na pag-uusig.
‘Yan naman ay opinyon lang natin na pansarili.
Common sense lang naman.
Bakit nyo uusigin yung tao na ang iniutos ay ubusin o lipulin ang lahat ng mga druglords at drug pusher sa kanyang bansa na pinamumunuan.
Patayin kung manlaban ang mga kriminal na kanilang dinadakip upang maipagtanggol ng mga awtoridad ang kanilang sarili.
Kung paano umakto at anong klaseng pagtugis, pag-aresto ang ginawa ng mga awtoridad ay hindi problema yan ng pangulo.
Problema yan ng mga taong nagsagawa ng operasyon.
Marami naman ang mga pulis na nasampahan ng mga kaso na napatunayang sangkot sa iba’t ibang krimen partikular sa pagtutulak ng droga, kidnapping at iba pang mga krimen na kanilang kinasangkutan.
At ang pag-usig, pagdakip sa mga lumalabag sa batas ay ginagawa ng mga awtoridad at normal na katungkulan bilang mga alagad ng batas.
Ang paghuli sa mga druglords iniutos man o hindi ni Pangulong Duterte ay tungkulin ng mga awtoridad dahil iyon ang nakasaad sa batas.
Kung paano nila ito isinagawa ay sila ang may pananagutan doon hindi ang dating pangulo.
Kung may direktang utos ang pangulo na patayin nyo si ganito o patayin ninyo si ganyan ay iyon ang labag sa batas.
Tsk tsk ang talagang intensyon naman ng utos ng pangulo na lipulin ang mga nasa negosyo ng iligal na droga ay upang iparating sa lahat na seryoso siya sa kanyang nais na gawin…na giyerahin at hindi man tuluyang masugpo ay mabawasan ang mga matitikas na involved sa iligal na negosyo na sumisira sa mga kabataang pilipino.
Proteksyon sa mga tahimik na mga mamamayang pineperwisyo ng mga durugista kapag gabi na.
Hinaharang, hinoholdap, ginagahasa, pinapatay ng walang laban.
Mga naghahanapbuhay upang may maipakain sa kanilang mga pamilya at kapag inabot ng gabi sa lansangan at nakasalubong ang mga drug addict na gusto ninyong gawing santo na mga hayup kayo…ay nanggagahasa at pumapatay ng walang awa dahil wala sa kanilang mga sariling katinuan dulot ng pagkalulong sa droga.
Noong panahon ni FPRRD…lahat halos ng mga addict ay natakot…tumino.
Ang dating lantarang pag-aabutan ng droga ng mga user at pusher ay nangonti.
Maraming addict ang nagtabaan dahil sa matinding takot.
Maraming pusher ang nagbagong buhay at ang karamihan ay naghanapbuhay ng parehas at yan ay ayon na rin sa mga ordinaryong mga pinoy na nakaranas mismo ng mga tunay na pangyayari.
At ngayon, doon sa korte ng ICC…bukod sa wala silang karapatan na umusig ng pilipinong hindi nila nasasakupan dahil hindi na tayo miyembro ng kanilang korte dahil wala silang hurisdiksyon dito sa Pilipinas, ay walang matibay na ebidensyang magdidiin sa dating dating pangulo maliban sa mga kasinungalingan na pinalala lamang ng mga ilang bayarang media dito sa bansa.
Hay…opinyon lamang natin ito, at naniniwala ako na marami tayong mga pilipino na may ganitong saloobin.
At para sa akin, maling tao ang inuusig ng ICC.
Wala silang alam sa tunay na nagyari sa Pilipinas noong panahon ni PRRD.
Pumunta kaya sila dito at dito sila maglitis…at tanungin nila ang lahat ng tao…bara-barangay…bayan-bayan, bawat lalawigan at mga lungsod…bilangin nila kung sino ang naniniwala o hindi na dapat nilang usigin ang matandang Duterte.
Para yun mga sinasabi nilang mga testigo na saksi sa di makataong mga pagpatay na may kinalaman sa war on drugs ng dating pangulo ay magsilantad.
Sabi nga ng isang namayapang komedyante…DATS ALAT ANANSENS ( That’s a lot of nonsense)
