

BIGO sa kanyang Round of 16 match ang pinay tennis star na si Alexandra “Alex” Eala kontra sa world no. 14 na si Linda Noskova ng Czech Republic matapos na dominahin siya nito, 6-2,6-0 sa WTA1000 BNP Paribas Open sa Indian Wells Tennis Garden sa California, USA ngayong umaga.
Agad na nagparamdam ng mainit at malalakas na mga palo si Noskova sa unang set pa lamang ng sagupaan at nagpamalas ito ng mas agresibong serving na nagpahirap kay Eala na tinapos lamang ang set sa loob ng 32 minuto.
Bagama’t nanatiling nakadikit si Eala hanggang sa iskor na 3-2, ang sumunod na tatlong game ay naging malaking bangungot para sa pinay kung saan nagpakita ng kanyang kahusayan sa baseline play at mga pamatay na serve.
Ang ikalawang set ay higit na naging pabor sa kalmadong Czech kung saan ay natulungan pa ang kanyang excellent game ng magkakasunod na mga error ni Eala bago magaang na tinapos ang laban sa pamamagitan ng tatlong magkakasunod na aces at mapagtagumpayan ang huling set upang kunin ang isa sa walong bangkuan sa quarterfinal round.
Matatandaan na dalawang ulit na tinalo ni Eala si Noskova sa kanilang unang mga laban sa junior competition sa 2020 French Open girls quarterfinal at 2018 Les Petits As habang ito naman ang kanilang unang paghaharap bilang mga professional tennis players.
Si Eala ay inaasahang muling sasabak sa isa pang mas mabigat na torneo sa Miami Open sa hard Rock Stadium sa Florida
