
NAKASILIP ng konting liwanag na posibleng maging simula ng mas malinaw na kinabukasan para sa 2, 232 informal settlers families,kabilang na ang renters, mga caretakers, sharers at mga nagmamay-ari ng mga bahay na nasunugan noong Marso 6, 2026 diyan sa NIA Road Barangay Pinyahan Quezon City kung saan ay talagang nalalos ang kanilang mga bahay at ari-arian.
Bagama’t hanggang sa kasalukuyan ay ramdam nila ang napakahirap na sitwasyon na dagdag pa sa hirap ng pang-araw araw na gastusin ay namomroblema pa sila dahil nasunog ang lahat ng kanilang kagamitan na kailangan nilang simulan muli na mabili, bahagya naman pong naibsan ang kanilang malungkot na karanasan dahil naghihintay sa kanila ang mas ligtas, mas komportable at mataas na antas ng uri ng pamumuhay sa tulong kanilang ina ng lungsod na si Mayor Joy Belmonte na talagang naging maagap upang mapagkalooban ng mas mabilis at wastong aksyon ang pangyayaring ito.
Sa gitna ng kanilang mga kaba at agam-agam na baka sila ay ma-relocate o kaya ay tuluyan nang mawalan ng tirahan na posibleng maging sanhi ng mas mahirap na kalagayan dahil baka mapalayo sila sa kanilang mga hanapbuhay at gayundin ang mga estudyante ay mapalayo sa kanilang mga pinapasukan na paaralan, biglang nagkaron ng malinaw na pag-asa na bumuhay sa kanilang pag-asa na mayroon pa rin naman palang masayang bukas sa kabila ng kanilang maabong karanasan kamakailan.
Ito ay dahil sa ikinasang partnership ng Quezon City Government, Department of Human Settlements ang Urban Poor Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) na nagdesisyon na magtayo ng vertical housing para sa mga pamilyang naapektuhan ng nabanggit na sunog.
Ayon sa Housing Community Development And Ressetlement Department (HCDRD), magtatayo ng vertical housing buildings na magiging permanenteng pabahay para sa naging biktima ng sunog na matagal nang mga naninirahan sa lungsod.
Plano umano na magtayo ng 12 hanggang 15 storey vertical housing buildings sa lugar na aabot sa bilang na 2, 250 units na target na matapos sa dulo ng taong 2027.
At habang ginagawa umano ang mga naturang gusali ay pagkakalooban din ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng rental subsidy ang mga naapektuhang pamilya sa pakikipagtulungan din ng national government agencies.
Ayon kay Mayor Belmonte, layunin ng proyekto na matulungan ang kanyang mga apektadong constituents upang mas maging maayos at komportable sa kanilang tirahan dahil sila ay matagal nang naninirahan sa lugar.
Tungkulin umano ng lungsod at ng national government na tulungan ang mga pamilyang nagkakaroon ng ganitong mga problema na aniya’y madalas na nauuwi sa relocation na nagiging mas lalong malaking problema para sa mga nasusunugan.
Ayon sa kanya, magiging priority sa proyektong ito ang mga matatagal nang residente sa naturang lugar na matagal nang nagtitiis sa kanilang kalagayan sa lugar na bukod sa hindi komportableng mga tirahan ay delikado rin lalo na at may mga sakunang dumarating tulad ng naganap kamakailan.
Sinabi pa ni Belmonte na sa ilalim ng proyektong ito ay makakasiguro ang mga apektadong pamilya na makakabalik sila ng ligtas,secure sa isang mas maayos na tirahan para sa kanila.
Ang nabanggit na proyekto ay nasa ilalim pa rin ng mas pinalawak na proyekto ng national government na “Pabahay Para sa Pilipino Program na flagship housing initiative ng Pangulong ferdinand Marcos jr.
Sana all may mayor na tulad ni Mayor Joy Belmonte.

